|
RP fencers may 1 ginto, 2 pilak pa
|
SPORTS
UPDATE
Magnolia uulit; Alaska babawi (Ramil Cruz) TEAM STANDINGS W L Purefoods 10 3 Red Bull 8 4 Magnolia 7 5 Alaska 7 5 Talk ‘N Text 6 6 Sta. Lucia 6 6 Air21 5 6 Brgy. Ginebra 5 8 Coca-Cola 3 8 Welcoat 3 9
Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum) 4:50 p.m.-Coca-Cola vs Magnolia 7:20 p.m.-Alaska vs Air21
Uulitan ng Magnolia Fruit Drinks ang Coca-Cola, samantalang babawian ng Alaska Milk ang Air21 sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2007-08 Smart Philippine Basketball Association sa Araneta Coliseum ngayon. Kapwa balabag sa huling sabak, haharapin ng magkatabla sa terserang Beverage Masters (7-5) at Aces (7-5) ang pumapangsiyam na Coca-Cola (3-8) at pumapampitong Air21 (5-6) sa alas-4:50 ng hapon at alas-7:20 ng gabi, ayon sa pagkakasunod. Naglaho ang 15-point lead ng tropa ni coach Bethune Tanquingcen sa pagtiklop uli sa Red Bull sa huling salang noong Sabado 94-88 kaya ang pagbangon at maulit ang 87-78 win sa Coke ang pinapakay. Subalit baka tumugaygay ito sa butas ng karayom dahil sa ang unang paglagok sa Tigers noong Oktubre 28 ay wala pang lehitimong sentro ang huli sa katauhan ni Paul Asi Taulava, na ang pagpasok sa tropa’y nagbigay rito ng 2-1 sa huling tatlong laro at pagkaiwas sa maagang eliminasyon. Ireresbak naman ng Aces ang 102-101 overtime loss sa Express kasabay sa pagtayo rin sa huling tilapon din sa Sta. Lucia, 94-88, sa pagpupusisyunan ng mga koponan patungo sa playoff round. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|