|
RP fencers may 1 ginto, 2 pilak pa
|
SPORTS
UPDATE
RP fencers may 1 ginto, 2 pilak pa NAKHON RATCASIMA --- Nakapagdeliber lang ang Filipino fencers ng karagdagang isang medalyang ginto at dalawang pilak kahapon sa paghubad sa pangkalahatang titulo sa pagtatapos ng sport sa 24th Southeast Asian Games sa Surapat 3 Building dito. Binalikat nina Wilfredo Vizcayno, Armando Bernal at Avelino Victorino ang puwersa ng RP sa paglaktaw sa Vietnam, 41-33, upang madale ang gold medal sa men’s team epee. Subalit ang men’s saber squad sa kabila nang mala-bayaning nagawa ni Walbert Mendoza, at ang women’s team foil ay naitulak lang sa silver ng magkahiwalay nilang oposisyon Halos mag-isang iniahon ni Mendoza ang Pinoys sa 32-40 pagkaiwan subalit hindi sumapat iyon dahil sa pagkabigo ng RP bets sa back-to-back defending champion Thailand, 43-45. Sa team foil, lumasap sina Veena Nuestro, Michelle Mancenido at Fil-Am Mia Howell ng 25-37 pagkatalo sa Singapore na pinalakas ni naturalized Singaporean Wang Wei Yi na aktuwal na taga-mainland China. Sa kabuuan, nakasikwat ang Pinoy swordsmen ng tatlong ginto, tig-anim na pilak at tanso na pangkalahatang pagsegunda sa punong abalang Thais, na nasambot ang general fencing championship sa 5-1-3 tally. Tersera ang Vietnam sa 3-1-3 output. Dalawang taon na ang nakararaan sa 23rd SEA Games sa ‘Pinas, tumapos ang RP fencing squad ng 5-2-6 output. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|