|
RP fencers may 1 ginto, 2 pilak pa
|
SPORTS
UPDATE
5TH PA RIN ANG ‘PINAS (Virgi Romano) MEDAL TALLY NATIONS G S B Thailand 95 86 71 Vietnam 46 29 54 Singapore 37 30 28 Malaysia 31 28 56 PILIPINAS 29 40 60 Indonesia 25 32 39 Myanmar 4 15 25 Laos 4 1 22 Cambodia 2 3 6 Brunei 0 1 2
NAKHON RATCHASIMA, Thailand --- Tinapos ng RP swimming team ang kampanya sa 24th Southeast Asian Games dito sa pamamagitan ng pagkulekta ng walong gold, tatlong silver at pitong bronze medals --- na tinampukan ng apat na ambag mula kay Fil-Am Miguel Molina, tatlo kay Ryan Arabejo at tig-2 sina James Walsh at Daniel Coackley. May kabuuang anim na gold medals ang sinungkit ng mga Filipino athletes kahapon hanggang kagabi, pero nananatili pa ring nakabuntot ang bansa sa Malaysia sa ikalimang puwesto sa medal tally. Si Molina, na malakas na kandidato sa pagka-MVP dito, ay nagwagi sa 400 at 200 IMs, 200m breaststroke at kagabi sa 4x100m medley relay, kasama sina Arabejo, na winner din sa 200m backstroke at 1,500m freestyle, Coackley, na una nang nagwagi sa 50m freestyle at si Walsh, nanguna sa 200-m backstroke. May isa ring bronze si Molina sa men’s 200-m butterly event. Sa apat na Pinoy swimmer, si Walsh, isa ring Fil-Am, ay kuminang sa unang pagkakataon, nang manguna sa 200-m back, 2:00.45, na bagong SEA Games record at bumura sa 2001 SEAG mark ni Malaysian Anthony Ang na 2:01.84 sa Kuala Lumpur. Naorasan ang RP quartet ng 3:49.28 sa 4x100 relay. Ang Singapore ang naging overall swimming champion bunga ng kanilang 11-gold medal output. Ang iba pang ginto ng Pilipinas ay nagbuhat kay archer Amaya Paz, cyclist Alfie Catalan, trackster Julius Nierras at ang men’s epee team sa fencing. Sina tracksters Danilo Fresnido (javelin throw), Deborah Samson (pole vault), archer Earl Banjamin Yap (compound individual), fencing’s men’s saber at women’s foil teams, judoja Nancy Quillotes (-48kg), weightlifter Renante Briones (94kg), ruby team, at water polo ay nagsipag-ambag ng silver medals. Bronze medals naman ang kinulekta nina Mercedita Manipol (10,000m) at heptathlete Narcisa Atienza, boxer Albert pabila (light-fly), muay thai’s Olod Jay (60kg) at harold Jay (67kg). Umaasa rin ang mga opisyal dito na madaragdagan pa ang medalya ng Pilipinas, sa paghataw ng boxing finals simula ngayon, kung saan may 13 entry sa gold medal matches. Subalit, inaasahan ring magkakaroon ng mahigpit na oposisyon ang RP boxers dahil pawang mga Thai boxers ang kanilang makakaharap sa finals. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|