|
|
ENTERTAINMENT
Lovi, ayaw pang magka-bf Natawa ako sa kuwento tungkol sa misis ng isang singer/actor at estranged husband ng isang actress/TV host. Kahit hiwalay na ang actress/TV host sa mister niya, ang hilig-hilig pa rin ng lalaking ‘yon na pakialaman ang buhay ng una. Madalas na tinatawagan ni lalaki ang mga kaibigan ng estranged wife para alamin ang activities nito. Eh ang misis ng singer/actor ang tinawagan ng estranged husband ng actress/TV host at inusisa ito tungkol sa activities ng estranged wife. Kahit mataray ang estranged husband ng actress/TV host sa pakikipag-usap sa misis ng singer/actor, malumanay pa ring kinakausap ng babaing ‘yon ang lalaking mapag-usisa. Imbes na sagutin ng misis ng singer/actor ang mga itinatanong ng estranged husband ng actress/TV host, binasahan ng babaeng ‘yon ng Bible ang kausap. For two hours ay kausap ng misis ng singer/actor ang estranged husband ng actress/TV host at wala siyang pakialam na puro tungkol sa Bible ang kanyang sinasabi sa kausap. "I doubt kung naintindihan ni ______ (pangalan ng estranged husband ng actress/TV host) ang mga sinabi ni ______ (pangalan ng misis ng singer/actor) habang magkausap sila," sey ng nagkuwento sa akin. ***
Natawa lang ang dalaga. "No, Tito Jun, hindi pa pwede. Ayaw pa ng mommy ko at ayoko pa rin talaga. Gusto ko pong mag-concentrate sa showbiz career and my studies po," simula niya. Aminado si Lovi na medyo hirap siyang pagsabayin ang kanyang showbiz career at pag-aaral, kaya mas imposible raw na mag-boyfriend pa siya at this point. Bukod sa promo ng
Shake, Rattle & Roll 9 at TV shows niya sa GMA 7, busy rin
si Lovi sa paghahanda para sa Not Just Makakasama ni Lovi sa show na ito sina Dr. Hayden Kho (na kakanta raw kasama sina Katrina Halili at Jon Joven), Mr. German Moreno, SOP’s Showboys, Mr. Joel Cruz (CEO of Aficionado Germany Perfume) at ang grand winner ng Celebrity Duets na si Ms. Tessa Prieto-Valdes. Bukod sa mga nabanggit, may ilan pang special guest sa Zirkoh Timog show na ito na kami ang magdidirek. For ticket inquiries, text +63922-891-9989. *** Hindi lang sa ‘Pinas matindi ang dating ng Desperadas, huh! Aba, may kumausap na taga-Dubai kay Ruffa Gutierrez at itinatanong kung willing ba silang magpunta roon at magpapa-premiere night sila para sa Desperadas. May taga-Japan din na gustong ipa-premiere night doon ang Desperadas. Siyempre pa, excited si Ruffa at kaagad niyang ikinuwento kay Roselle Monteverde ang tungkol sa bagay na ‘yon. Aligagang-aligaga si Ruffa sa pagpo-promote ng Desperadas dahil alam niya na bilang isa sa mga bida ng pelikula ay kailangan niyang mag-effort para maging maganda ang outcome ng pelikula kapag ipinalabas na ito sa Enero 1, 2008. After 11 years ay ngayon lang uli gumawa ng pelikula si Ruffa kaya excited siya para sa Desperadas. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|