Alfie Lorenzo

Allan Diones

Abu Tilamzik  

Jun Lalin  


Pralala Et Cetera


ENTERTAINMENT

Marian, tinalbugan ni Iza


Tinaasan ng SOP ang rating ng ASAP nu’ng Linggo dahil marami ang nagkainteres na panoorin kung anu-ano ang aabangan nilang mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Tanging ang Sakal, Sakali, Saklolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang wala sa SOP nu’ng Linggo.

Nagpatalbugan ng production number ang bawat pelikulang kalahok.

Ang unang napansin ng mga nagte-text sa akin na nakatutok sa SOP ay ang dance number nina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera na nagpu-promote ng Desperadas.

Aliw pa rin ang Marimar giling ni Marian pero halos iisa ang obserbasyon ng lahat, talbog sila ni Iza sa sayawan. Hindi ito nakakapagtaka dahil anak iyan ni Lito Calzado.

Kuwela rin ang rock en roll production number ng Banal nina Christopher de Leon, Paolo Contis, Alfred Vargas, Paolo Paraiso at Joey ‘Pepe’ Smith na kahit medyo sintunado sa unang bahagi ng kanta, nadala ng mga interesting na eksena ng pelikula.

Marami ang pumuri sa trailer ng Banal at mukhang kakaiba ito kumpara sa ibang kasali sa MMFF ngayong taon.

Halatang malaking pelikula ang Resiklo ni Sen. Bong Revilla Jr, sa dami ng mga malalaking artistang kasali rito. Hindi niya itinatangging mas malaki pa sa Exodus ang nagastos niya rito.

Kapansin-pansing mag-isa lang si Manny Pacquiao na nag-promote sa SOP nu’ng Linggo. Sa mga poster na nakapaskil sa set, mukhang itong poster ng pelikula niyang Anak ng Kumander ang hindi pa yata tapos.

Parang sample lang sa color separation ang inilagay roon dahil title lang ang naka-print at walang pangalan ng mga artista.

Hinanap namin si Ara Mina na pwedeng mag-promote sa GMA 7. Wala raw ito. Mukhang mas kumportable na siya ngayon sa ABS-CBN 2.

Mag-isa si Pacquiao na nag-promote sa SOP pero siya ang may pinakamaraming kasama at bodyguards na nakabantay sa kanya.

Ilang staff ng SOP ang nakapansin nang dumating si Sen. Jinggoy Estrada para sa Katas ng Saudi, hindi ganu’n karami ang kasama at pabalik-balik ito sa studio na mag-isa lang.

Si Sen. Bong Revilla ay may bodyguards din pero malayo sa kanya ang mga ito na nakabantay lang sa paligid.

Pagdating sa ating Pambansang Kamao, parang isang mahabang prusisyon ang mga kasama nito.

Isang dressing room lang sila ng dalawang senador, pero pagdating ni Pacquiao, naglabasan ang mga pagkain na inihain sa kanya at isinabay niya sa lunch sina Senador Bong at Senador Jinggoy, pati ang iba pang mga artista. Parang piyesta kapag nandiyan si Manny Pacquiao.

Samantala, naihinga raw ng boxing champ sa ilang kaibigan na naka-P30M na siya sa Anak ng Kumander, hindi pa kasali ang promo nito.

Hindi raw kasi tumatawad si Manny sa mga presyong ibinibigay sa kanya. Basta bayad na lang siya nang bayad. Sana, nasa tamang tao ang binabayaran niya.

***

Sa presscon ng Banal ay itinanggi ni Christopher de Leon ang balitang may malubhang sakit na si Sandy Andolong.

Inamin ni Boyet sa The Ricky Lo Exclusives na may kidney problem si Sandy pero okay na raw ngayon at hindi raw ganu’n kalala.

Kamakailan lang ay naospital si Sandy dahil sa sakit sa kidney pero nakalabas na siya at tumuloy na sa pagti-taping.

Medyo nawindang lang daw si Boyet nu’ng mga araw na iyun dahil sabay silang nagkasakit.

Dalawang anak daw niya ang naospital din dahil nagkalagnat at parang may virus daw na umatake sa kanila na parang dengue ang symptoms.

Pati raw siya ay inatake ng ganu’ng virus na ang buong akala nila ay dengue. Mabuti’t gumaling sila agad at hindi na lumala ang sakit.

Wish ng aktor ngayong Pasko ay maging maayos lang daw ang kanilang kalusugan lalo na ang kay Sandy.

***

May presscon uli si Sen. Bong Revilla para sa pelikulang Resiklo at nakikiusap itong huwag nang pag-usapan ang gulo nila ni OMB Chairman Edu Manzano.

Hindi raw makatutulong sa kanilang ipinaglalabang Anti-Piracy kung patuloy silang magbabangayan.

Ang nangyari tuloy, parang may network war na itong balitaktakan ng dalawa dahil sa ABS-CBN 2 nagpapaliwanag si Chairman Edu, sa GMA 7 naman si Sen. Bong.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top