|
|
ENTERTAINMENT
Trailer ng ‘Maging Sino Ka Man 2’ nakasusuka na
Kung ipa-trailer ito sa telebisyon ay morning, noon and night na nakasusuka na, nakauumay! Kapag hindi pa naman nahambalos at nangisay ang GMA-7 primetime sa ratings game niyan, ewan ko na lang! Ginawa na ang lahat ng Star Cinema to assemble a dozen directors na yata at mahigit pa sa isang dosenang artista na kasama sa cast. Tila sa dami ng artista na kailangang bigyan lahat ng partisipasyon ay nakagulo lang sa takbo ng kuwento sa halip na maging smooth ang flow ng istorya with the all-star cast na maaasahan lahat sa fine acting! Sumakit ang ulo ko nu’ng Lunes sa kapa-flashback, samu’t-sari at halu-halong eksena na hindi mo alam kung alin ang tututukan mo. Andiyan si Osang Roces, si Christopher de Leon before and after, susulpot si John Lloyd Cruz na pinagagalitan ni Christopher, anduon sa Barcelona sina Bea at Lloydie na nagha-honeymoon, buntis at ikakasal si Anne Curtis kay Sam Milby, pasaway si Angelica Ramsay, ikut-ikot, putok-sabog ang bomba sa building. Hay, anoh bah! Nauuna ang Maging Sino Ka Man sa Ysabella na kasunod. Isang oras yata tumakbo ang Maging Sino Ka Man na hindi ko napansin kung may commercials na, hayun ang Ysabella at 15 minutes lang yata dahil santambak ang commercials, isiningit pa rin ang trailer ng Maging Sino Ka Man eh katatapos lang bago nag-Ysabella, anoh bah! Aba, kapag ‘di pa naman dumapa ang Ysabella niyan, ewan ko na lang! Biro mo, itong Ysabella ang may commercial lockout at tila siya pang binabastos at ‘di man lang bigyan ng sapat na pagpapahalaga! Konting respeto naman sa nag-aakyat ng milyones sa ABS-CBN, ‘noh! Or else wala kayong ipampuprodyus ng mga ganyan kakalaking teleserye kundi maghahanapbuhay si Ysabella! Natapos ang Ysabella at pasok naman ang korning Pinoy Big Brother, hayun at trailer na naman ng Maging Sino Ka Man. Bago mag-Bandila, pasok uli ang trailer ng MSKM. Akala n’yo eh tapos na ‘yun? Nope! Pati sa Games Uplate, meron pa ring Maging Sino Ka Man. Kung sino man ang namamahala ng pagpapalabas ng sangkatutak na trailers na ‘yan, he’s doing a great job! Hayun at alas-singko pa lang nang umaga, may trailer uli ng MSKM sa Umagang Kayganda. Aba naku, ilipat ko nga sa Unang Hirit at baka meron ding trailer doon! Dinaig pa ang MMFFP entry ng Star Cinema na Sakal, Sakali, Saklolo, huh! Eh itong movie na ito ang maghahakot uli ng salapi na ipampuprodyus ng movies for the ABS-CBN starlets next year! Pero look n’yo naman at one full page pa ang colored advertisement ng Maging Sino Ka Man sa diyaryo samantalang one-fourth lang ‘yung ads ng Sakal, Sakali, Saklolo at black and white lang! Well, congrats sa mga pinagkakatiwalaan ng Papa Gabby ko to man his business empire! They’re doing great, huh! *** Hindi kaya may ‘magwala’ sa Magic Kingdom kapag nalaman nilang ‘yung bibildapin nila at gagawing another Sam Milby na si Will Devaughn ay may movie na sa Regal Films na pino-promote ng GMA 7, ang Desperadas? Akala nila ay sila ang mauunang mag-launch kay Will to stardom. Naku, lalabas na pinirata na naman si Devaughn niyan sa GMA, debah? Hindi kaya mapadali ang exit ni Devaughn sa Bahay ni Kuya, in God’s will? *** May offer ngayon si Mother Lily for Juday na one movie with ‘Marimar’ Marian Rivera. Gusto rin ng mga reporter na nakarinig ang offer na ‘yun ni madera habang nanggagalaiti si Mother sa paghihintay kay Iza Calzado (na hindi dumating) sa presscon ng Desperadas nu’ng Linggo sa Imperial Palace. Once again ang bukambibig ni Mother Lily: "Naku, ayaw ko nang magprodyus! Hindi na ako gagawa pa ng movie!" Anoh? Eh paano na itong Juday-Marimar offer niya? "Naku, Mother, baguhin mo na ‘yang dayalog mong ‘yan, 18 years old na ‘yan na sinasabi mo! Last year nga, sabi mo, ‘di ka na sasali sa MMFF, hayan at tatlo ang entries mo!" kantyaw ko kay madera. And we reminded her sa plano niya noon na pagsamahin sina Juday at Angel Locsin sa isang festival entry niya na ang magiging blurb sa layout ay ‘Darna vs. Krystala’ na hindi itinuloy ni Mother Lily dahil ang sabi ni Malou Santos ay sa kanila ang rights ng Krystala. May isa pang wish si Mother Lily: na sana ay maging isa siya sa producers na gagawa ng isang Juday-Richard Gutierrez movie. Lihim ang mga producer ng Juday-Richard movie although it’s common knowledge now na sina Richard at Ryan ang financiers nito plus si Atty. Stein ng California, the criminal lawyer na ini-endorse nina Juday at Ryan sa filipinos abroad. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|