Cyber Prayer

Romance Tonite

Payong Kapatid


Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, #167 Liberty Bldg. Roberto S. Oca St., Port Area, Manila.

 

PUBLIC SERVICE

Tutol ang parents


Dear Tita Nora,

Sumulat ako dahil sa problema ko sa girlfriend ko. Sana’y mapayuhan ninyo ako.

One year na kami. Ang alam ng parents niya’y nililigawan ko pa lang siya pero ang totoo’y girlfriend ko na.

Mahal ako ng anak nila. Mahal na mahal ko rin siya. Ang problema’y ayaw sa akin ng parents niya lalo na ng erpat niya. ‘Pag pumupunta ako sa bahay nila o kapag hinahatid ko ang anak nila’y napaka-cold ng pagtanggap nila. Dahil doo’y bibihira na akong pumunta sa kanila. Halos laging sa labas na lang kami nagkikita.

Minsan nga’y iniisip kong itanan na lang ang anak nila para wala na kaming problema at hindi na sila manghimasok pa.

Gio

Dear Gio,

Nauunawaan ko ang iyong damdamin. Pero hindi pa rin solusyon ang iniisip mong pagtatanan. Baka imbes na matanggap ka nila ay lalo pang kamuhian.

Hindi mo nabanggit sa iyong liham ang age ninyo ng girlfriend mo. Hindi naman kaya masyado pa kayong bata kaya tutol pa ang magulang niya? Baka naman natunugan na rin nilang mag-on na kayo kaya nasira na ang kanilang pagtitiwala.

Natural na sa magulang lalo na sa isang ama na maging istrikto lalo na sa babaeng anak nila, kaya sa halip na kontrahin mo sila’y sikapin mo munang mahuli ang loob nila.

Walang magulang na gustong mapahamak ang kanilang anak. Hangad nila ang kaligayahan nito.

Pero siyempre’y kailangang matiyak muna nilang masigasig at matino ang magiging kapalit nila. Para ‘pag bumukod na ito at bumuo na rin ng sariling pamilya’y panatag na sila dahil alam nilang nasa mabuting kamay naman ang anak nila. Sa puntong ito’y ipamalas mo muna’t patunayan sa in-laws to be mo ang malinis mong hangarin at sinseridad.

Good luck and God bless you.

Love,

Tita Nora

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top