Editorial

Misyon Aksyon

Sanggang-diin

Usisero

Ping and Order


 

OPINION

Retirement benefits


Mr. Arnel,

Gusto ko mag-inquire kung anong mga kailangan na papeles kapag nag-submit na ako ng claims ko sa retirement benefits. Nag-retire ako sa PAL noong August

1998 at nandito ako ngayon sa Saudi, because I will claim my benefits when I reach the age of 60. Lahat ng benefits ko sa PAL nakuha ko na at retirement ko na lang sa SSS ang hinihintay ko, kaya gusto kong malaman ang mga documents para ma-ready ko na, habang malayo pa.

Heto pala ang aking full name: Virgilio M. Ugali, Jr. Thanks and more power, God Bless.

 

Best regards,

JHUN UGALI

Maintenance Planning Division

Facilities Maintenance Department

Khafji Joint Operations (KJO)

P.O. Box 256, Khafji 31971

Kingdom of Saudi Arabia

 

Madali lang po. Kapag bumalik na kayo sa Pilipinas, mangyaring magsadya po kayo sa pinakamalapit na SSS branch. Ito lamang po ang kailangan ninyong dalhin: bagong SSS I.D., Retirement Certificate of Separation, bank account at apat na 1X1 ID photo.

Doon po kayo personal na magpi-fill up ng inyong form para sa inyong retirement.

***

Mr. Petil,

Magandang araw po sa inyo, ako po ay masugid na tagasubaybay ng Abante Tonite. Kahit po busy ako dito sa ibang bansa ay naiisingit ko pa rin ang pag-babasa ng balita diyan sa Pilipinas. Sir, itatanong ko lang po kasi andito po ako sa Doha, Qatar, gusto ko pong mag-loan sa Pag-IBIG. Puwede po bang ang asawa ko na lang po ang mag-process ng mga ppapers diyan sa Manila para po makapag-loan po ako, kasi bibili po ako ng lupa pero sa tao ko po bibilhin? Ano po ang maipapayo n’yo sa akin.

 

Thanks & Regards,

Nancy N. Acosta

Al Sayrafa Financial Business & Exchange Co.

Doha, State of Qatar

 

Mas mainam po na makipag-ugnayan kayo sa tanggapan mimso ng Pag-IBIG para malaman po ninyo ang tamang proseso ng paglo-loan, lalo na kung hindi kayo personal at iba ang kakatawan sa inyo. Alamin na rin po ninyo kung may satellite office ang Pag-IBIG para sa mga katulad ninyo.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top