PNP, AFP OVERACTING KAY TRILLANES

ChaCha matagal nang patay!

Gloria magpapaulan ng bigas

Edu binigyan ng zero budget ng Senado


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Gloria magpapaulan ng bigas

(Rose Miranda)


Matapos mabatikos sa tumataas na antas nang kagutuman sa bansa, magpapaulan ng libreng bigas at iba pang pagkain si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Pamasko sa mahihirap na pamilya sa buong bansa.

Inihayag ng punong ehekutibo ang nasabing bagay sa idinaos na Legislative and Executive Development Advisory Council (Ledac) sa Malacañang kung saan pinamagatan niya ang nasabing programa na "Pamaskong Handog" na epektibo simula Disyembre 13 hanggang Enero 7.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Lorelei Fajardo, tinatayang 600,000 mga pamilya ang target ng nasabing programa sa mga mahihirap na komunidad sa Metro Manila at sampung probinsya na kinilala bilang beneficiaries ng Department of Agriculture (DA).

Mula sa nasabing bilang ng pamilya ay 200,000 ang manggagaling sa Metro Manila at mahigit sa 384,000 sa sampung probinsya. Bawat pamilya ay pagkakalooban ang mga ito ng tig-dalawang kilo ng bigas, noodles, de-lata at iba pang mga produkto.

Maliban sa pagkain ay kasama rin sa tulong na ipagkakaloob ang dental at medical mission, scholarship program at iba pa. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top