|
PNP, AFP OVERACTING KAY TRILLANES Edu binigyan ng zero budget ng Senado
|
TOP
STORIES
ChaCha matagal nang patay! (Rey Marfil/Bernard Taguinod) Pinagsabihan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Malacañang na tigilan ang pagtutulak sa Charter Change (ChaCha) dahil makailang beses na itong sumablay at paulit-ulit nang napahiya ang mga nagsusulong ng planong ito. "Enough already. Paulit-ulit aready. Embarrassing already," panawagan ni administration Sen. Joker Arroyo kay Mrs. Arroyo. Aniya, isang "dead issue" ang Charter Change at nakakasuka na kung kaya’t mas makakabuting tantanan ni Mrs. Arroyo, sampu ng mga katropa nito sa Lower House ang pagtutulak dito. "It’s dead already. Nauseating na. Malacañang, stop na," ani Sen. Arroyo. Kasabay nito, pinagsabihan ni Sen. Arroyo ang media na tigilan na ang pag-uulat hinggil sa ChaCha. Naniniwala ang senador na matitigil din ang Malacañang sa pagtutulak ng ChaCha kung titigilan ng media ang pagsusulat hinggil ditto. Sinabi naman ni Sen. Francis Pangilinan na makasarili at hingi makabayan ang panukalang ChaCha at hindi makikinabang dito ang taumbayan. "Dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang talamak na katiwalian at walang tigil na pagpatay sa mediamen at mga aktibista at ang kakulangan ng hanapbuhay at trabaho para sa mahihirap nating kababayan. Walang saysay ang ChaCha sa paglutas sa nasabing mga suliranin," ani Pangilinan. Sa Kamara, sinabi naman ni Parañaque Rep. Roilo Golez na maraming na programa ang gobyerno at mga panukalang batas na hindi matutuloy kapag hindi iniatras ng administrasyon ang ChaCha. Ipinaliwanag ni Golez na 16 panukalang batas ang ipinangako ng Kongreso na pagtitibayin at pawang mga urgent measure bukod sa Cheaper Medicines Act at 2008 national budget sa susunod na taon. Mababalewala umano ang lahat ng ito kapag isiningit ang Charter Change. "The Arroyo administration’s agenda behind Charter Change it to stay in power beyond 2010 but will face stiff opposition form the people," opinyon naman ni Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|