PNP, AFP OVERACTING KAY TRILLANES

ChaCha matagal nang patay!

Gloria magpapaulan ng bigas

Edu binigyan ng zero budget ng Senado


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

PNP, AFP OVERACTING KAY TRILLANES

(Rey Marfil/Bernard Taguinod)


OVERACTING --- Ganito inilarawan ang pagpapakalat ng sangkaterbang pulis at sundalo sa loob at labas ng Makati City Hall kaugnay ng pagdinig sa kaso ng Magdalo kahapon. Bukod sa mga sundalo at pulis nagpakalat din ng armored vehicles para masigurong hindi na mauulit ang pag-okupa ng Magdalo sa Manila Peninsula. (AP/AFP)

Kaliwa’t kanang kantiyaw ang inabot ng Malacañang matapos masaksihan ng publiko ang todo-todong pagbabantay sa grupo ni Sen. Antonio Trillanes IV nang humarap ito kahapon sa Makati Regional Trial Court.

Kung overkill ang ginawang pag-aresto kina Trillanes at Brig. General Danilo Lim sa Manila Peninsula Hotel noong nakaraang Nobyemre 29, "overacting" naman umano ang ipinakitang seguridad sa loob at labas ng Makati RTC kahapon.

Ito ang naging paglalarawan nina Sens. Panfilo ‘Ping’ Lacson at Francis ‘Chiz’ Escudero III sa dalawang batalyong sundalo at pulis na ipinakalat ng Malacañang upang bantayan ang pagharap nina Trillanes, Lim at mga sundalong Magdalo sa korte.

Ibinandera ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang puwersa kung saan, nagmistulang war zone ang paligid ng Makati RTC. Mistula ring may pupuntahang giyera ang mga pulis na naghatid sa grupo nina Trillanes mula Camp Crame hanggang Makati City.

Bukod sa naka-full battle gear ang mga pulis at militar, mayroon pang mga tangke na nagbantay sa paligid ng korte.

Ayon kina Lacson at Escudero, nakakatawa ang ipinapakitang puwersa ng Malacañang sa pagharap ni Trillanes sa sala ni Makati RTC Judge Oscar Pimentel.

"Overkill nang hulihin sina Sen. Trillanes, overacting naman ngayong binabantayan," ani Lacson sa humigit-kumulang isang libong sundalo at pulis nagbantay sa court hearing.

"Masyadong overacting iyong security preparation kay Sen. Trillanes dahil sa totoo lang, ginawa lang ng mga military police iyong trabaho nila noong nakaraan. Hindi na mangyayari iyong nangyari dati," pahayag naman ni Escudero.

Bagama’t mas magandang makita ang pagiging handa ng pamahalaan sa anumang banta sa seguridad, masyado anilang nagpakita ng pagkapraning ang Malacañang.

Sa Kamara, ganito rin naging opinyon ni CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva.

Ayon sa kongresista, ipinakita lamang ng gobyerno ni Pangulong Arroyo ang matinding pagkatakot sa Magdalo dahil sa overacting na security measures sa korte.

"Too much. They are putting much attention to the Magdalo soldiers," reaksyon ni Villanueva.

Sinabi ng mambabatas na kung ang ganitong uri ng atensyon ay ibigay lamang ng administrasyon sa problema ng bansa, malamang na hindi na mag-aaklas ang mga tulad nina Trillanes.

"If they can only use such attention to achieve something which is good for people and country, eh di wala sanang Magdalo soldiers," ayon pa sa mambabatas.

Hindi rin nagustuhan ng mambabatas na ang mga ganitong eksena ay reactionary measures lamang ng PNP at AFP gayong maaari sanang iwasan kung maayos na ginagamit ang kanilang intelligence fund.

Samantala, sa naturang hearing, humingi ng paumanhin si Trillanes at ang Magdalo Group kay Judge Pimentel.

"Herein accused would like to place on record that they have a very high regard for the honorable court and the honorable presiding judge because of his fairness and equanimity. It was not their desire and it was never their intention to show disrespect for the honorable court and the honorable presiding judge when they did what they did during the hearing last 29 November 2007," nakasaad sa mosyon na nilagdaan ng 11 Magdalo soldiers.

"Our action was prompted and was intended to call the public’s attention to the massive anomalies and was compelled by their passion, zeal, and fervor for their cause. Accordingly, herein accused most respectfully and humbly beseech the apologies of the honorable court and the honorable presiding judge as well as the lawyers and other parties present during the hearing last Nov. 29, 2007," dagdag pa rito.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top