|
|
HULAAN
BLUES
Senador ginawang ‘hangin’ sa floor (1) (Rey Marfil)
Isang linggo ang nakakaraan, nasaksihan ng TONITE Spy kung paano tumayo sa session hall ang daldalerong senador upang magpa-pogi points sa Malacañang, sa pamamagitan ng pagkuwestyon sa maling diskarte ng isang kasamahan sa Upper House, kalakip ang pagkondena rito. Kahit kainitan ng budget deliberation, as in napagkasunduang isantabi ang lahat ng aktibidades sa session hall, maliban sa pagtakalay ng P1.227 trilyong 2008 national budget isinumite ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nang-agaw eksena ang daldalerong senador. Ang rason, gumawa ng sariling palabas ang daldalerong senador, partikular ang pag-isponsor ng isang privilege speech upang upakan ang maling diskarte ng isang kasamahang mambabatas, kalakip ang hangaring makakuha ng "pogi points" sa Malacañang bilang preparasyon sa ambisyong maging standard bearer ng administration bloc sa 2010 national election. Pagkatapos mang-agaw ng oras at mag-ngangawa sa session hall, hindi kaagad umupo sa kanyang silya ang daldalerong senador at umaasa itong merong kasamahang mambabatas ang tatayo para sa isang interpellation o diskusyon. Dahil inuturing na isang "hangin" ang bawat salita at presensiya ng daldalerong senador tuwing tatayo sa floor lalo pa’t aksaya-oras o pagsasayang ng laway lamang ang pakikipag-debate rito, wala ni isang nangarap mag- interpellate at kaagad isinalang ang budget deliberation ng iba’t ibang departamento. Nang mapansin ng daldalderong senador na walang pumansin sa kanyang talumpati, ito’y napilitang umupo sa kanyang designated seat kung saan padabog itong nagbubulong sa floor at mistulang kinonsensiya ang mga kasamahang mambabatas. Habang paupo sa kanyang lamesa, pabulung-bulong ang daldalderong senador at kinukuwestyon kung bakit walang nagkakainteres makipag-interpellate rito gayong maraming nag-uunahang makipag-debate sa isang opposition senator tuwing tatayo sa floor. Clue: Mahilig magpaulan ng laway ang daldalerong senador sa loob ng session hall at madalas kinakatakutan ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) ang pagtalumpati dahil maaring magdulot ng "flash flood" ang sobrang pagbuga ng laway sa floor. Abangan sa Huwebes ang ikalawang reklamo nito. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|