|
NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO 2 Holdaper at carnapper nalambat 6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy Celfone ‘di matubos, nang-hostage Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing 2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak
|
CRIME
STORIES
2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak
Sa ospital bumagsak ang dalawang lalaking nakipagtalo sa pamasahe matapos saksakin ng icepick ng konduktor ng jeep na kanilang sinakyan sa Marikina City kahapon. Isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sina Christopher Murillo, 23, machine operator at Paul Guzon, 22, kapwa mga residente ng Santolan, Pasig City. Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente kahapon ng umaga habang pababa na sa jeep ang mga biktima sa tapat ng Fiesta Villa, Liamzon St., Marcos Highway, Bgy. San Roque. Binulyawan umano ang mga biktima ng hindi nakilalang konduktor ng jeep at sinabihang kulang pa ang kanilang ipinamasahe. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo at humantong ito sa pananaksak ng suspek sa mga biktima. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|