NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO

Holdaper nilamog sa jeep

2 Holdaper at carnapper nalambat

6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy

Celfone ‘di matubos, nang-hostage

Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing

Kilabot ng Pateros nasakote

2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Kilabot ng Pateros nasakote

(Vladi Eduarte)


Isang 18-anyos na lalaking matagal na umanong sakit ng ulo ng pulisya dahil sa paulit-ulit na pagkakasangkot sa mga kaso ng snatching at holdup ang nahuli sa Pateros at inaasahan ng mga awtoridad na maipapakulong na.

Kahapon, iniharap na sa inquest fiscal at kinasuhan ng robbery-holdup sina Delsar Ramos at kasama niyang si Ronald Ordonia, 19, kapwa nakatira sa Tuazon St., Bgy. Poblacion.

Ayon kay SPO4 Ismael San Pedro, ilang beses na rin nilang nahuhuli si Ramos pero hindi nila ito maipakulong dahil menor-de-edad.

Noong mga unang insidente na nahuhuli si Ramos ay dinadala umano ito sa Department of Social Welfare and Development pero napapakawalan din at muli na namang babalik sa dating gawain.

"Pero nitong September 16, nag-18 na itong si Ramos at ngayong gumawa na naman ng kalokohan, hindi na sa DSWD namin siya dinala. Ini-inquest na namin," pahayag ni SPO4 San Pedro kagabi. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top