|
NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO 2 Holdaper at carnapper nalambat 6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy Celfone ‘di matubos, nang-hostage Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing 2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak
|
CRIME
STORIES
Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing (Bernard Taguinod) Hindi nagustuhan ng isang Manila congressman ang kinalabasan ng imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), partikular ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Batasan bombing kaya hiniling sa Kamara na magsagawa ng sarili nitong pagsisiyasat. Pormal na hiniling kahapon ni Manila Rep. Bienvenido Abante, chairman ng House committee on public information, ang naturang aksyon, bunsod ng pagbawi ni dating Mayor Jamiron Jamiri ng Tuburan, Basilan sa kanyang testimonya na nagdadawit kina Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman at dating Basilan Rep. Gerry Salapuddin sa Batasan bombing. Isiniwalat ng kampo ni Jamiri na napilitan lamang siya na lagdaan ang nakahandang testimonya na nagdadawit kina Hataman, kapatid nitong si Jim Hataman at Salapuddin, matapos na hindi umano makayanan ang pag-torture sa kanya ng mga ahente ng CIDG. Para kay Abante, nasira ang imbestigasyon ng PNP dahil sa mga ganitong sistema ng pag-iimbestiga ng mga pulis kaya kailangan na aniyang magkaroon ng sariling pagsisiyasat ang Kongreso. "Marami tuloy ang hindi naniniwala kaya siguro kailangan na tayong magkaroon ng sarili nating imbestigasyon," pahayag ni Abante. Kabilang sa mga ipapatawag sa imbestigasyon ng Kamara si Dolina at ang mga umaresto at kumuha ng testimonya ni Jamiri. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|