NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO

Holdaper nilamog sa jeep

2 Holdaper at carnapper nalambat

6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy

Celfone ‘di matubos, nang-hostage

Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing

Kilabot ng Pateros nasakote

2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Celfone ‘di matubos, nang-hostage

(Irwin Corpuz)


Isang lalaki ang naburyong umano matapos na hindi mabawi ang isinanlang cellphone at nang-hostage saka pinagsasaksak pa ang kanyang kapitbahay na pinagsanlaan ng mobile phone sa kanilang lugar sa Antipolo City kamakalawa.

Sa ulat na isinumite kay Rizal Police Provincial directo Sr. Supt. Ireneo Dordas, kinilala ang suspek na si Edwin San Pascual alyas Gute, 34-anyos.

Samantala, nagtamo naman ng tatlong saksak sa katawan ang biktima na nakilalang si Maritess de Leon, 38-anyos at residente ng 114 Mabolo St., Sitio Balanti, Bgy. San Isidro, Antipolo City.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente matapos na magkaroon ng matinding pagtatalo ang suspek at ang biktima dahil sa isinanlang cellphone ng una.

Nabatid na hinostage ng suspek ang biktima sa loob ng bahay ng huli.

Tuluyan umanong naburyong ang suspek sa kanilang pagtatalo hanggang sa tinutukan nito ng patalim ang biktima na lumikha ng matinding tensyon sa kanilang lugar.

Inabot ng halos dalawang oras ang pangho-hostage ng suspek sa biktimang pinagsanglaan niya ng cellphone hanggang sa dumating ang mga operatiba ng pulisya.

Habang tahimik umano sa loob ng bahay ng biktima, pinasok naman ito ng mga operatiba. Sa loob ng bahay, inabutan ng mga operatiba ang biktima na duguang nakahandusay habang nakahilata naman ang suspek at hawak pa ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Kapwa isinugod sa pagamutan ang suspek at ang biktima. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top