NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO

Holdaper nilamog sa jeep

2 Holdaper at carnapper nalambat

6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy

Celfone ‘di matubos, nang-hostage

Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing

Kilabot ng Pateros nasakote

2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy

(Lily Reyes)


Kilala na umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga pangalan ng anim na Magdalo soldiers na kasama ni Marine Capt. Nicanor Faeldon nang tumakas habang nagaganap ang bigong pag-aaklas sa Manila Peninsula Hotel.

Ayon kay PNP Director General Avelino Razon Jr., bukod kay Faeldon tinutugis din ngayon sina Army ex-Master Sergeant Elmer Colon, Staff Sergeant Noel B. Aggalut, Cpl. Jerson D. Alabata, Pfc. Monchito D. Lusterio, Pfc. Josil B. Regulacion at Pfc. Abraham Apostol, pawang mga miyembro ng Philippine Navy.

Sinabi ni Razon na maliban kay Colon, sina Faeldon at mga kasamahan nito ay kinukunsidera nang absent without official leave (AWOL) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagtatago.

Patuloy umano ang manhunt operation ng PNP at AFP sa grupo ni Faeldon para madakip ang mga ito. Kinukunsidera ni Razon na armado at mapanganib si Faeldon.

Nag-alok na ang Malacañang ng P1 million reward sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Faeldon.

Magugunitang kasama si Faeldon sa Magdalo soldiers na kumubkob sa Oakwood Hotel sa Makati City noong 2003. Kasama rin siya nang okupahin ng Magdalo soldiers ang Manila Peninsula Hotel noong Nobyembre 29, matapos mag-walkout sa paglilitis ng kanilang kaso sa Makati Regional Trial Court.

Sinasabing nakatakas si Faeldon sa kasagsagan ng pagkubkob ng mga tropa ng pamahalaan sa grupo ng Magdalo sa Manila Pen. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top