|
NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO 2 Holdaper at carnapper nalambat 6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy Celfone ‘di matubos, nang-hostage Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing 2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak
|
CRIME
STORIES
2 Holdaper at carnapper nalambat (Lily Reyes) Nadakip ang dalawang holdaper at carnapper matapos biktimahin ang isang taxi driver kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Nakilala ang mga suspek na sina Reynaldo Ortiz, 29, ng 96 Gerona St., Bagong Barrio at Randy Sorilla, 39, ng Phase 1-A, Package 2, Block 35, Lot 7 Bagong Silang, kapwa ng nasabing lungsod. Sa pahayag ng biktimang si Ronillo Maquipoten, 41, driver ng NINE Stars taxi (PXT-430), bandang alas-tres kahapon ng madaling-araw nang maisakay niya ang mga suspek sa Balintawak Market at nagpahatid sa Camarin, Caloocan City. Pero pagdating umano nila sa isang madilim na bahagi ng nasabing lugar, bigla siyang tinutukan ng patalim ng mga suspek at kinuha ang P4,500 na kanyang kinita sa pamamasada. Pinababa pa ang biktima sa minamaneho nitong taxi at pinaharurot ng mga suspek. Nakahingi naman ng tulong sa pulisya ang biktima at namataan sa follow-up operation ang taxi, kaya naaresto ang mga suspek. Samantala, sa presinto lumutang ang isang Dante Madrona, 31-anyos at positibong kinilala ang mga suspek na siya rin umanong nangholdap sa kanya at tumangay ng minamaneho niyang taxi (Che-Che taxi na may plakang PWU 765) noong Disyembre 10, 2007 sa Camarin din. Sinabi naman ng mga suspek na dinala nila ang taxi ni Madrona sa Baesa, Quezon City. Subalit nang puntahan ng mga pulis ang itinurong lugar kung saan inabandona umano ang taxi ni Madrona ay hindi naman nakita doon ang naturang sasakyan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|