|
NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO 2 Holdaper at carnapper nalambat 6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy Celfone ‘di matubos, nang-hostage Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing 2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak
|
CRIME
STORIES
Holdaper nilamog sa jeep (Irwin Corpuz) Bugbog-sarado ang sinapit ng isang holdaper matapos na pagtulungan ito ng mga pasaherong nanggigil sa galit sa kanya dahil sinaksak ang isa nilang kasakay sa kinalululanan jeep sa Pasig City. Nakilala ang sinaksak na biktima na si Ruel Minguito, 26-anyos, binata at nakatira sa Westbank Road, Bgy. Rosario, Pasig City. Samantala, nalamog naman sa pagkakabugbog ang suspek na nakilala sa pangalang Albert Hayras, 30-anyos at residente ng 168 Floodway, Bgy. Rosario, Pasig. Base sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO2 Roger Villanueva ng Pasig City Police Station, naganap ang insidente kamakalawa ng hapon. Nagpanggap umanong pasahero ang jeep at nang makakuha ng tiyempo inilabas ang nakatagong ice pick at nagdeklara ng holdap. Palibhasa nag-iisa lamang ang suspek kaya nanlaban umano ang biktima at tinangka nitong agawin ang ice pick. Subalit hindi naagaw ang armas at gumanti ang suspek na inundayan ng saksak ang biktima. Aktong tatalon umano palabas ng jeep ang suspek para tumakas, subalit mabilis siyang hinawakan ng iba pang pasahero at pinagtulungan nang bugbugin sa loob ng sasakyan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|