NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO

Holdaper nilamog sa jeep

2 Holdaper at carnapper nalambat

6 kasama sa pagtakas ni Faeldon, tinukoy

Celfone ‘di matubos, nang-hostage

Kamara mag-iimbestiga sa Batasan bombing

Kilabot ng Pateros nasakote

2 pasahero nakipagtalo sa pasahe, sinaksak


Hulaan Blues

Top Stories


CRIME STORIES

NURSING STUDENT BUMULUSOK SA 10TH FLOOR NG CONDO

(Vladi Eduarte)


Nagsagawa kagabi ng noise barrage sa Quezon City ang mga kabataang miyembro ng isang militanteng grupo laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis kasabay ang panawagan sa mga namamasadang jeepney driver, para makiisa sa malawakang transport strike sa Huwebes. (Jhay Jalbuna)

Binawian ng buhay ilang oras matapos isugod sa pagamutan ang isang dalagang nursing student nang mahulog umano ito mula sa tinutuluyan sa 10th floor ng isang condominium sa Makati City kahapon.

Kinilala ni PO3 Clemente Arcilla ng Makati Police Community Precinct 5 ang biktimang si Lanie Ann Bugna, 21, 3rd year college.

Lumalabas na si Bugna ay nanunuluyan sa Unit 1815, Palm Tower B, Estrella corner St. Paul Sts., Bgy. San Antonio.

Nasa ika-sampung palapag umano ang unit ng biktima at hindi pa masiguro ng pulisya kung may kasama siya doon nang maganap ang insidente.

Ang pahayag umano ng mga nakausap ng mga taga-PCP5 na unang nakapag-responde sa lugar ay nakita nila na nahulog mula sa 10th floor ang biktima bandang alas-2:30 kahapon ng hapon.

Naisugod pa sa Ospital ng Makati si Bugna pero bandang alas-kuwatro ng hapon idineklarang binawian na umano ito ng buhay.

Iniimbestigahan pa ni PO2 Herman Panabang ng Makati Police Station Investigation Division kung ano at paanong nahulog ang biktima mula sa kanyang unit, kaya hindi pa masigurado kung paano naganap ang insidente. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top