DECEMBER 01, 2012 SATURDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
November 30, 2012
As of 2:40 pm
U. States 40.8599
Bahrain Dinar 108.378
Can Dollar 41.1556
Euro 53.1474
Aus Dollar 42.6308
HK Dollar 5.27222
Japan Yen 0.495994
Saudi Riyal 10.8955
S’pore Dollar 33.4788
Taiwan Dollar 1.40557
UAE Dirham 11.1244
UK Pound 65.5728
 
Custom Search
Danica, masaya para kay Vic
Ryza, napagdudahang tibo
Gorgy Rula

 

PAGKATAPOS aminin ni Monique Wilson ang pagiging tomboy niya, may lumutang na kuwentong isang Startstruck winner na pinagdududahang tomboy rin kaya nakipaghiwalay na raw ito sa boyfriend na matagal nang karelasyon.


Si Ryza Cenon pala ang tinutukoy na nung lumabas itong kay Monique, kaagad na kinulit ito ng Startalk na sagutin nag intrigang iyun pero tumanggi ito.


Pero nakorner ito ng Startalk kahapon at deretsahan niyang itinanggi ang naturang intriga.
“Katatapos ko lang ng six years na relasyon sa boyfriend ko, pero walang third party involved at hindi dahil sa tomboy ako,” pakli ng young actress.


Maaring nawala na raw ang pagmamahal niya sa lalaking iyun, pero hindi raw babae ang dahilan.
Hindi lang daw siya open sa relasyon niya.


“Mula pa nu’ng Starstruck, natsitsismis na ako na tomboy, eh.
“Tapos, meron pa ngang kabit na DOM. Siguro, ang susunod niyan, buntis na ako,” dagdag ni Ryza.


Ayon pa kay Ryza, baka napagdudahan lang siyang tomboy dahil hindi niya in-open sa lahat ang dati niyang boyfriend.


Mas gusto niyang private ang pakikipag-boyfriend kaya hindi niya ito ini-open sa publiko.


Ngayong single na siya, open na raw siyang makipag-date pero hindi raw sa girls, dahil sure na sure daw siyang hindi siya tomboy.


Isa ito sa mga kuwentong pasabog ng Startalk ngayong hapon.


***


Kahit nakikitang ha­yagan na ang relasyong Vic Sotto at Pauleen
Luna, maingat pa rin sa pagsagot si Danica Sotto kapag tungkol na sa kanilang dalawa ang pinag-uusapan.


“Ayaw ko kasing pangunahan. Kasi, parang mahirap naman, di ba?” medyo alanganing sagot ni Danica.


“Parang… di ba, he’s old enough to make his own decisions? Kami, basta we’re always here naman for our Dad. We love him and respect him.”


Hindi raw nila pinag-uusapan ang lovelife ng Daddy niya kapag magkasama sila.


Tinanong namin si Danica kung totoong nagkita na sila ni Pauleen, at itinanggi niya ito. Hindi pa raw sila nagkita magmula nung napabalita ang tungkol sa pagkaka-link ni Pauleen sa kanyang ama.


Sakaling in love uli si Bossing, nandiyan daw ang suporta nila at magiging masaya raw sila para rito.


***


Naaliw kami sa alaga ni Jojie Dingcong na si John James Uy nang nakasama namin ito sa dinner kamakailan.


Si John James ang leading man ni Yam Concepcion sa sexy film na Rigodon at medyo daring siya roon.
Open si John James sa mas daring na eksena sa mga susunod niyang gagawin pero depende sa role.


Walang inhibitions sa katawan ang dating finalist sa Be Bench kaya okay lang sa kanya kahit paghubarin siya basta maganda ang material.


Gusto lang daw niyang lumabas ang pagiging aktor niya.
Medyo hirap pa siya sa pagta-Tagalog dahil galing siya sa Amerika.


Nabaliw kami bigla nang tinanong siya ni Manay Ethel Ramos ng, “What’s the sexiest part of your body?”


Mabilis ang sagot nito, “Etits ko!” habang parang nakaturo pa sa harapan niya.
Parang walang kamali-malisya ang pagsagot niya sa tanong na iyun ni Manay Ethel.


Pagkatapos ng Rigodon ay leading man uli si John James sa susunod niyang project na ang bida ay ang politicial activist na si Juana Change.


Okay lang sa kanya kahit may love scene o kissing scene sila ni Juana Change.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION