Aug. 31, 2008 -Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Bihira nang i-date
Tita Nora
 

Dear Tita Nora,
Isa ako sa madalas magbasa ng Romance Tonite.
Sana po’y mai-publish n’yo rin ang letter ko, tungkol sa amin ng boyfriend kong si Melo.
Napupuna ko kasing habang tumatagal ay nawawala ang pagka-sweet niya.
Mula nang umabot kami sa 4 years ay bibihira na niya akong abutan ng flowers at i-date. Pero nu’ng bagu-bago pa lang kami’y madalas niya akong yayaing mag-dinner date at manood ng sine.
‘Lagi niyang ini-explain na imbes na gumastos kami ay ipunin na lang namin. Pero siyempre, Tita iba pa rin ‘yung maramdaman mong sweet sa iyo ang boyfriend mo ‘di ba? Hindi kaya ‘pag kami na ay hindi na niya ako i-date at lalo siyang maging makunat? Tita, pagpayuhan n’yo naman po ako.
Nica
Dear Nica,
Hindi kita masisisi. Posibleng sinanay ka lang sa umpisa ni Melo kaya hinahanap-hanap mo na ito. Pero kung ikinasasama mo ng loob ito’y be open, iha. ‘Di nga ba’t ang nagsasabi nga daw ng tapat ay nagsasama nang maluwat?
Kunsabagay, minsa’y kailangan nating tanggapin na karamihan sa mga lalaki’y sweet talaga sa umpisa. Gagawin lahat at ibibigay ang makakaya para lang mapasagot ang nililiyag nila. Pero ‘pag napa­sagot ka na, medyo nag-iiba na.
Pero kung iyon lang naman ang nabago at nandu’n pa rin ang pagmamahal, res­peto at pagpapahalaga sa iyo ng boyfriend mo, lalo na sa pamilya mo’y huwag ka nang mabahala pa. Ganyan talaga ang relasyon iha, may mga stages din kumbaga.
Hindi ka man ngayon madalas mai-date o ma­bigyan ng flowers ni Melo ay bigyan-pansin mo rin ang ibang bagay o oras na inilalaan niya sa iyo lalo na sa iyong pamilya.
Kung tutuusin naman kasi’y nasa katwiran siya. Sa hirap ng buhay ngayo’y kailangan talagang magti­pid,.Good luck and God bless you.
Love,
Tita Nora

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES