Aug. 31, 2008 -Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
AKTRES, NAPAGKAMALANG BADING
Jojo Gabinete
 

NAKITA si Annabelle Rama sa Gateway Mall noong Biyernes nang hapon.
Palabas sa apat na sinehan ng Gateway Mall ang For The First Time at dahil busy na si Richard Gutierrez sa taping ng Codename: Asero, si Annabelle ang proxy ng kanyang anak sa theater tour.
Masaya si Annabelle dahil tinatangkilik ng mga tao ang pelikula nina Richard at KC Concepcion.
***
Nainsulto ang isang aktres dahil napagkamalan siyang gay sa isang bar sa Makati City na kanyang pinuntahan.
Nabigla ang aktres nang harangin siya ng security guard nang pumasok siya sa bar.
Natulala ang aktres nang sabihin ng security guard na hindi siya maaaring pumasok sa bar dahil ipinagbaba­wal dito ang mga cross-dresser.
Pansamantalang natigilan ang aktres sa narinig dahil hindi kaagad nag-sink in sa kanya ang sinabi ng guwardya.
Nang mahimasmasan ang aktres, nagsumbong siya sa manager ng club.
Hiyang-hiya ang security guard at sunud-sunod ang paghingi ng paumanhin sa aktres na napagkamalan niyang gay.
Ipinaliwanag ng security guard na nalito siya dahil bago dumating ang aktres, isang cross-dresser gay ang kanyang pina­labas.
Halos pareho raw ang suot na damit ng gay at kahawig pa nito ang aktres kaya inisip ng guwardya na bumalik sa bar ang cross-dresser na pinagbawalan niya na pumasok sa bar.
***
“Ni-reinvent” si Ma­xene Magalona ng production staff ng Una Kang Naging Akin para bumagay siya sa karakter na kanyang gagampanan.
Binago ang pananamit ni Maxene, nilagyan siya ng hair extender at pinakapal ang kanyang mga pilik-mata sa pamamagitan ng fake eyelashes.
Nang pumasok sa school si Maxene, nanibago sa kanyang itsura ang mga kaklase niya pero humanga sila sa transformation ng dalaga.
Ang Una Kang Na­ging Akin ang kapalit ng Magdusa Ka na nagwakas noong Biyernes.
Kasama ni Maxene sa cast ng Una Kang Na­ging Akin sina Wendell Ramos, Angelika de la Cruz, Alfred Vargas at LJ Reyes.
***
Hindi lamang si Marian Rivera ang umiyak nang mapanood ang pre-recorded phone-patch interview sa kanyang ama na ipinakita sa birthday show nila ni Dingdong Dantes sa Araneta Coliseum noong Miyerkules.
Mula sa aming kinauupuan, nakita namin na lumuluha rin si Popoy Caritativo, ang ever-supportive manager ni Marian. Parang anak ang trato ni Popoy kay Marian kaya kung anuman ang kalungkutan at kaligayahan na  nararamdaman ng kanyang alaga, narararamdaman din niya.
Mapapanood ang joint birthday show nina Dingdong at Marian na Let’s Celebrate mamayang gabi pagkatapos ng Ful Haus sa GMA 7
***
“Catch-up TV” ang term ng TV5 sa kanilang mga programa na nagkakaroon ng replay para mabigyan ng pagkakataon ang televiewers na mapanood ang mga TV show na na-miss nila.
Napapanood tuwing Lunes nang gabi ang Midnight DJ nina Paolo Contis, Jenny Miller at Desiree del Valle at muli itong ipalalabas tuwing Sabado nang 12:00 NN-1:00 PM.
Kasunod ng Midnight DJ ang Hush Hush, ang programa ng TV 5 tungkol sa nakakaintrigang buhay ng mga artista. Tampok sa Hush Hush sina Bernard Palanca, Joem Bascon, Ina Feleo, Krista Ranillo at Dominic Ochoa.
Pagdating nang 2:00 PM at 3:00 PM, ang catch-up ng gag show na Lokomoko at lifestyle show na 3R ang mapapanood sa TV5.
Tuwing Linggo nang 12:00 NN ang replay ng Love Books,  isang TV adaptation ng Summit media best sellers. Pagpatak nang 1:00 PM, ang Rakista ni Carlo Aquino ang dapat aba­ngan. Kasunod ng Rakista ang catch-up ng Batang X.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES