Aug. 31, 2008 -Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Lorna, nawala ang mga bukol sa katawan
Joe Barrameda
 

NAKABALIK na si Lorna Tolentino sa bansa matapos ang pilgrimage sa Holy Land kasama ang mga anak.
Malaki ang nagawa sa kanya ng religous tour na iyon kahit na may mga reklamo ang mga anak niya na hirap sa paggising nang maaga at sumunod sa schedule ng tour.
May timetable ang entourage at sabay-sabay ang paggising at pagkain. May oras ang alis nila sa bawat hotel na tinutuluyan nila.
***
Matagal na palang iniinda ni Lorna ang kanyang likod sa may spinal at nang magpa-check-up siya ay may kung anu-anong bukol sa may spinal niya.
Madalas na tinutubuan siya ng bukol sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Bilin ng kanyang doktor ay magbalik sa kanya si LT for further examination pagkatapos ng pilgrimage na iyon. Ganu’n ang ginawa ni Lorna matapos ang ilang araw na pamama­hinga.
Nang magpa-MRI siya uli ay laking gulat ng kanyang doktor dahil nawala ang mga bukol na nakita noon.
Isa yata itong himala at malaki ang naitulong ng pagbisita niya sa Holy Land.
Malaki ang nagagawa ng prayers at pana­nalig sa Diyos. Maski kami ay marami nang answered prayers at tuloy pa rin sa pagdarasal.
May rason ang Diyos sa mga nangyayari sa atin sa araw-araw.
***
Sa pagbabalik ni LT ay hinarap niya ang promo ng PLDT My DSL.
Sa pagiging ina ni Lorna ay nahirang siya ng PLDT My DSL na ma­ging spokesperson nila.
Isa itong gamit para maging regular ang communication ng pamilya na magkakahiwalay ang lugar na tinitirahan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Magkikita sila kahit araw-araw sa pamamagitan ng My DSL ng PLDT.
Napanood na namin ang iba’t ibang version ng campaign ad ng PLDT My DSL at maganda ang pagkakagawa na may kurot sa puso.
***
Matagumpay sa ta­kilya ang pelikulang For The First Time na nagbukas nu’ng Miyerkules.
Matagumpay rin ang Let’s Celebrate b-day special nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum noong Miyerkules nang gabi.
Sa tingin namin ay vindicated ang GMA 7 sa sinasabing sinabayan nila ang opening day ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.
Hindi kaila sa showbiz circle ang sama ng loob ng ina ni Richard na si Annabelle Rama dahil sa isyung tapatan.
Sa tingin ni Anneblle ay may malisya o masamang intensyon ang pamunuan ng GMA 7.
Sa lunch tsika ng Corporate Communications ng GMA 7 noong Huwebes, niliwanag ni Ma’am Wilma Galvante na wala silang intensyon na sirain ang For The First Time.
In fact, natuwa ang pamunuan ng GMA 7 sa resulta sa box office ng pelikula na ang isang bida ay Kapuso talent.
Maski itanong daw sa Araneta Coliseum ay wala silang makuhang weekend schedule.
August 27 lang ang available.
Hindi available sa ibang linggo sina Marian at Dingdong dahil may kani-kanya silang sche­dule out of the country. Ang isa pang pinupunto ng GMA 7 ay pulos Ma­rian at Dingdong fans ang nasa Araneta at isang gabi lang iyon.
Hindi pa nakarating ang ibang may hawak ng tiket dahil siguro maulan noong hapon hanggang early evening.
Libre ang tiket at kaya walang masasayang kung hindi sila dumating.
Happy na raw ang GMA 7 sa crowd na duma­ting na estimate nila ay mga 8,000. 
May mga tanong ang press people sa reaksyon ng network sa mga sama ng loob ni Annabelle Rama.
Ayaw na nilang patulan iyun. Alam nila na very concerned si Annabelle bilang ina ni Richard sa kalalabasan ng pelikula.
*** 
Sa rehearsal ng Let’s Celebrate noong Martes sa Araneta ay may nakitang baril na naiwan sa CR.
Nakita ito ng isang staff ng programa. Ang nakaiwan ay isang naka-fatigue na lalaki na nagpakilalang bahagi ng security, pero tumalilis kapagkuwan.
Kaya noong Miyer­kules nang gabi ay sobrang higpit ang security sa Araneta at maraming mga pulis ang nagkalat sa loob ng Coliseum.
Ang Araneta management na raw ang tumawag sa mga pulis.
Biruan ng mga kasamahan namin sa panulat na may assassination plot noong rehearsal.
Ang Let’s Celebrate ay ipapalabas mamayang gabi sa SNBO sa GMA 7.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES