MARAMI pang gustong makapareha si Bea Alonzo lalo na sa pelikula at kabilang doon si Jake Cuenca.
Kumusta na ba sila ni Jake at ano ang totoo sa kanilang dalawa?
“We’re going out! Actually, we’re going out at nae-enjoy ko siya. Nae-enjoy ko na mag-go out! Ha! Ha! Ha!” mabilis na sagot ni Bea sabay tawa kamakalawa nang gabi sa presscon ng bago niyang teleserye.
Bakit siya enjoy kay Jake?
“Kasi, he’s funny. Actually, ‘yun ang hindi nakikita ng mga tao na side niya. Kasi, lagi siyang seryoso. Sabi ko sa kanya, ‘Ngumiti ka nga nang mas madalas!’
“Nag-e-enjoy ako. He’s funny, he’s young, he’s enthusiastic. Pareho kami ng mindset pagdating sa trabaho.”
So, ano’ng real score sa kanila ni Jake? Nasaang level na sila?
“Hindi pa namin pinag-uusapan,” maiksing sagot ng dalaga.
Ano sila, exclusively dating?
“Ayoko munang maging exclusive! Ha! Ha! Ha! Gusto ko munang i-enjoy ‘tong moment of my life na maraming bago.
“We’re dating, we’re going out. Pero hindi ko gustong i-label pa ‘yun ngayon, eh! Kasi, mahirap, di ba? Pag nagkaroon na ng commitment, doon na nagiging komplikado ‘yung mga bagay-bagay,” paliwanag ng magandang young actress.
***
Sa tantiya ni Bea ay mga tatlong buwan na silang lumalabas ni Jake. Silang dalawa lang ba ang magkasama kapag nagdi-date sila?
“Hindi, most of the time with the ASAP group. Kasi, doon naman kami nagkakilala. After every ASAP show, makikita n’yo kami sa isang restaurant, kumakain kaming lahat o nagbi-videoke kami.
“At nakasama ko siya do’n. Parang friends lang, through group date, hanggang sa ayun, we go out na.”
Paano kapag nagtapat sa kanya si Jake at sinabing ‘I love Bea Alonzo,’ may pag-asa ba ito sa kanya?
“Ayy, hindi ko pa alam! Nae-enjoy ko muna ito. Sana huwag munang gano’n. Kasi, hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Parang hindi pa ako ready na buksan ulit ‘yung puso ko! Ha! Ha! Ha!” tawa pa ng 20-anyos na prinsesa ng Dos.
Mukha bang boyfriend material si Jake?
“Oo naman!” mabilis na sagot ni Bea.
“Nakikita ko naman ‘yon, pero alam ko na parehong dapat mag-concentrate muna kami (sa career namin). Kasi, ngayon niya lang nakukuha ‘yung attention na gusto niya, ngayon ko lang nakukuha ‘yung mga project na gusto ko, so dapat mag-concentrate muna kami roon. Kasi, baka ikasira naming pareho.”
Totoo bang pinagselosan siya noon ng ex-GF ni Jake na si Roxanne Guinoo?
“Doon sa parteng ‘yon, hindi ko na alam. Pero totoong nagkikita kami (ni Jake) and I didn’t see anything wrong with that. Kasi, wala naman siyang girlfriend, wala naman akong boyfriend nu’ng time na ‘yon.
“And hindi naman namin nile-label ‘yung sarili namin as exclusively dating. So, feeling ko, hindi naman siguro ako dapat mangimi sa mga taong hindi ko dapat iwasan. Dapat bukas lang ‘yung doors ko for everyone,” pakli ni Bea.
So, hindi niya inagaw si Jake kay Roxanne?
“Definitely not! May boyfriend din ako nu’ng time na ‘yon! Definitely not!” mataginting na bulalas ni Bea.
|