NANGANGARAP pa rin ang isang mahusay na aktres na mabiyayaan ng anak kahit napakalabo nito dahil sa kanyang edad.
Suportado si aktres ng kanyang mister at ng mga kaibigan niya.
Ilang taon nang nag-aabang si aktres pero palagi siyang nabibigo.
May isang taon na hindi tumatanggap ng trabaho si aktres para mabuntis siya.
Ilang specialists ang pinuntahan ni aktres at kung anu-anong tests na ang pinagdaanan niya pero wala pa rin.
May kaunting pag-asa si aktres na mabuntis dahil hindi siya totally baog.
May diperensya ang isa niyang obaryo at dapat siyang sumailalim sa isang medical procedure para mabuntis.
‘Yun lang, hindi garantisado na magiging safe ang kanyang pagbubuntis.
Buong ningning na ipinagmamalaki ni aktres na napakasuwerte niya dahil napaka-understanding at mapagmahal ang kanyang asawa.
Pati sa mga kaibigan, puring-puri ni aktres ang asawa sa kabaitan.
***
Malaking pressure sa isang varsity player na nag-aartista ang status niya ngayon sa isang university sa North.
Kung hindi niya mami-maintain ang maganda niyang performance sa team, malamang na matanggal siya sa grupo.
At pag nagkataon, babalik si player sa isang pampublikong school.
Sa kuwento ng aming source, second year high school lang ang inabot ni actor-varsity player. Bukod sa tamad mag-aral, mahina talaga ang utak niya.
Komo magaling si aktor sa basketball, nagkainteres sa kanya ang isang university coach.
Illegal ang pagsama ni actor sa grupo dahil hindi siya graduate ng high school.
Hindi kumuha ng acceleration test si aktor para mag-qualify siyang maging manlalaro ng isang university.
Hindi pumapasok si actor-player sa kahit na anong subject sa university.
Pumupunta lang siya sa school para magpraktis at dumadayo kapagkuwan sa ibang universities para makipag-compete.
May tinatanggap na allowance si aktor mula sa eskuwelahan.
Kapag bumaba ang performance niya sa pag-lalaro, matsutsugi siya sa team.
Muntik nang mapatalsik si aktor sa school nang ma-link siya sa isang balahurang ko-medyante. Tapos, na-tsismis pa siyang merong sex scandal.
Mabuti na lang, noong mga panahong iyon, kailangan ng university ang husay ni actor-player para hindi kumulelat ang kanilang team kaya hindi siya napatalsik sa grupo.
|