|
NAGSANIB-PWERSA ang Star Records at ang Cherry Mobile upang ihandog ang Cherry Music service sa mga taong mahilig sa musika.
Maaaring makapag-download ang Cherry Mobile users ng 100 libreng kanta, 45 araw pagkatapos nilang bilhin ang kanilang Cherry Mobile cellphone.
Kasama sa mga maaaring pagpilian na kanta ay mula kina Toni Gonzaga, Maria Aragon, Bugoy Drilon, Jaime Rivera at Marie Digby.
Layunin ng Cherry Mobile na makapaghatid ng maayos at magandang serbisyo kaya inilunsad nila ang Cherry Zone na naglalaman ng mga serbisyo na eksklusibo para sa mga gumagamit ng Cherry Mobile kagaya na lamang ng Cherry Music.
***
Pinatunayan ni Kim Chiu na siya pa rin ang primetime princess matapos pumalo sa ratings ang kanyang bagong teleseryeng My Binondo Girl sa ABS-CBN.
Isang linggo bago umere sa telebisyon ang My Binondo Girl ay nag-trend na sa Twitter kasama ang isa pang bagong serye ng ABS-CBN na Maria La del Barrio.
Kinikilig ang mga tao sa tambalang Jade-Onyx (Kim Chiu-Jolo Revilla) na nagsimula noong kanilang kabataan (na ginanapan ni Mutya Orquia bilang batang Jade at ni Izzy Canillo bilang batang Onyx).
Dalawa pang lalaki ang darating sa buhay ni Jade -- si Trevor Wu (Matteo Guidicelli) na iibigin si Jade sa una pa lamang nilang pagkikita, at si Andy Wu (Xian Lim) na magiging karibal ni Jade/Yuan sa pamamahala ng ChenJean chain of restaurants.
|