Umulan ng send off message kahapon sa Kamara para kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na ihahatid na sa huling hantungan.
Ngayong araw na ito ng Martes ang state funeral kay Robredo sa Naga City na pangungunahan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. Pagkatapos ng state funeral, iki-cremate ang labi ng kalihim.
Pinangunahan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang pag-alay ng bulaklak sa puntod sa mga hindi kilalang bayani sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kahapon. (Jonas Sulit)
Isang malungkot na balita rin ang nakarating sa amin nu’ng nakaraang weekend tungkol sa isa sa pinaka-well loved sa showbiz na si Andrea Bautista-Yñares, ang younger sister ni Sen. Bong Revilla.
Umangat si Justine Alano ng Perpetual (gitna) na walang bitbit na bola matapos masundutan ni Raymond Almazan ng Letran (kanan), habang nakaabang sa kaliwa si Kevin Racal sa NCAA game nila sa The Arena kahapon. Naitakas ng Knights ang 62-57 win. (Mike Taboy)
Parehas natakasan ng Jose Rizal University at Letran ang mga nakatunggali sa 88th season ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa San Juan Arena.
Binomba ng Heavy Bombers ang Mapua, 63-60, habang tinuhog ng Knights ang University of Perpetual Help System Dalta, 62-57.