PAGKALAT NG PUGOT PHOTOS NAKAKATAKOT

Spy cams sa LRT

Hello Garci probe minadyik ng M’cañang

Dagdag na combat pay malabo pa

Wowowee namumuro sa Senate probe


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Wowowee namumuro sa Senate probe

(Rey Marfil)


Kapag nagkataon, dobleng kamalasan ang matitikman ni television host Willie Revillame matapos ikunsidera ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatawag ng imbestigasyon kapag may nagreklamo sa game show nito.

Sa ngayon, wala sa isip ng opisina ni Sen. Manuel ‘Lito’ Lapid, chairman ng senate committee on games and amusement, ang pagpapatawag ng imbestigasyon subalit nakakabahala na aniya ang eskandalo sa game show ni Revillame tulad ng mga pandaraya, iimbestigahan ito.

Noong Pebrero 5, 2006, unang sumabit sa eskandalo ang Wowowee ni Revillame matapos mauwi sa trahedya ang anibersaryo ng games shows kung saan marami ang nasawi sa Ultra at hanggang ngayon patuloy naghahanap ng katarungan ang mga biktima.

Sa pamamagitan ng kanyang spokesman, sinabi ni Alex Marcelino, media relations officer (MRO) ni Lapid, na pinaalalahan na ng senador si Revillame na maging mabusisi sa anumang uri ng palaro sa programa nito.

Nauna rito, mismong Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Department of Trade and Industry (DTI) ang umangal sa isang palaro ng programang Wowowee kung saan nabuking ang lantarang pandaraya ng game show, patunay ang dalawang numero ng jackpot price sa ‘Wilyonaryo.’

Hindi lamang naipalabas sa Pilipinas bagkus napanood sa buong mundo, partikular sa mga bansang sakop ng The Filipino Channel ng ABS-CBN, Channel 2 ang nangyaring hokus-pokus sa pinakabagong game portion ng Wowowee noong Agosto 20, araw ng Lunes.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top