|
PAGKALAT NG PUGOT PHOTOS NAKAKATAKOT Hello Garci probe minadyik ng M’cañang Dagdag na combat pay malabo pa Wowowee namumuro sa Senate probe
|
TOP
STORIES
Dagdag na combat pay malabo pa(Bernard Taguinod) Hindi maihahabol ang dagdag na combat pay na ipinangako ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu. Napag-alaman kahapon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na walang inilaang pondo sa ilalim ng 2007 national budget para dagdagan ang combat pay ng mga sundalo. Sinuportahan ng kongresista ang pangako ni Arroyo nang dumalaw ito kamakalawa sa mga sundalo sa Mindanao para bigyan ng morale support ang mga ito sa gitna ng isinasagawang opensiba laban sa Abu Sayyaf. Subalit ayon kay Biazon, maibibigay lamang ang combat pay na ipinangako ni Arroyo sa susunod na taon kapag naipasa na ang 2008 national budget na nagkakahalaga ng P1.227 trilyon. "Under 2007 national budget, walang nakalaang pondo para dagdagan ang combat pay ng mga sundalo. Baka next year pa maipapatupad kapag naipasa ang 2008 budget," ani Biazon. "Kapag hindi kasama sa proposed budget ng DND, puwedeng isingit pero kailangan tayong magbawas sa ibang department budget para madagdagan ang combat pay ng mga sundalo," ani Biazon. Maaari rin umanong magpasa ng supplemental budget ang Kongreso kung nais ni Arroyo na maibigay na sa lalong madaling panahon ang dagdag na combat pay. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|