|
PAGKALAT NG PUGOT PHOTOS NAKAKATAKOT Hello Garci probe minadyik ng M’cañang Dagdag na combat pay malabo pa Wowowee namumuro sa Senate probe
|
TOP
STORIES
Spy cams sa LRT (JB Salarzon/Bernard Taguinod) Sinalpakan na ng 47 spy camera ang labingwalong istasyon ng Light Rail Transit 1 bilang pag-iingat sa banta ng terorismo sa Metro Manila. Ayon kay Jinky Jorgio, information officer ng LRTA, ang mga CCTVs (closed circuit television cameras) ay mabisang pangmonitor sa lahat ng movements ng mga tao sa loob ng mga istasyon upang kaagad na maalarma ang seguridad sakali mang may kahina-hinalang kilos sa loob. Aniya, ang paglagay ng CCTVs ay upang hindi muling maulit ang pangyayaring bumulaga sa bansa noong Disyembre 30, 2000 o mas kilalang ‘Rizal Day bombing’ na pumatay sa 22 katao at sumugat ng ilang daang katao nang pasabugin ang dalawang istasyon ng LRT. Sinabi rin ng pamunuan ng LRT na kabilang ito sa paghahanda nito sa posibleng ‘sympathy attack’ ng Abu Sayyaf na kasalukuyang ginigiyera ng militar sa Basilan at Sulu. Kabilang din sa dagdag-seguridad sa LRT ay ang pagbili ng mga bagong metal detectors. Kaugnay naman ng banta ng terorismo, sinabi naman ni Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman na hindi lamang ang Abu Sayyaf Group ang dapat bantayan ng mga awtoridad kundi ang kilos ng iba pang grupo ng mga kriminal na nakikisimpatiya sa grupong ito.
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|