PAGKALAT NG PUGOT PHOTOS NAKAKATAKOT

Spy cams sa LRT

Hello Garci probe minadyik ng M’cañang

Dagdag na combat pay malabo pa

Wowowee namumuro sa Senate probe


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Pinagtulungang lapatan ng paunang lunas ang fire volunteer na si Roy Soriano ng Tangos Fire Volunteers, na aksidenteng nahulog mula sa nasunog na gusali ng Prudential Bank sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng hapon. Umabot sa ika-limang alarma ang naturang sunog. (Devery Alegata)

PAGKALAT NG PUGOT PHOTOS NAKAKATAKOT

Ni REY MARFIL (With Juliet de Loza)


Sa gitna ng pagkalat sa internet ng mga kalunus-lunos na litrato ng mga miyembro ng Philippine Marines na pinugutan sa Tipo-Tipo, Basilan, hindi maitago ng dalawang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang maalarma sa maaring epekto nito.

Ayon kina Sens. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Francis ‘Chiz’ Escudero III, nakakalungkot ang sinapit ng 14 na sundalo sa kamay ng umano’y mga Abu Sayyaf kaya’t hindi masisisi ang mga kasamahang sundalo kung iparamdam sa gobyerno ang hinanakit ng mga ito.

Kamakalawa ay kumalat ang naturang mga litrato sa internet at ipinadala sa mga mamamahayag sa pamamagitan ng electronic mail. Ipinakita ng mga larawan ang karima-rimarim na sinapit ng mga sundalo kung saan maraming ulo ang nagkalat at mga katawan na tinanggalan ng ari.

Wala namang nakikitang masama si Aquino kung ipinakalat ng mga dismayadong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga litrato ng mga sundalong pinugutan subalit nakakaalarma aniya ang pagpapakita ng galit ng mga ito.

Lumalabas umano na pakiramdam ng mga sundalo na sila’y napapabayaan ng gobyerno at walang makukuhang hustisya ang kanilang mga kasamahan na nilapastangan at pinatay.

"Masisisi ba natin ang mga tila napabayaan na kawani ng Sandatahang Lakas. Sa pakiramdam nila sila’y napababayaan ng gobyerno," ani Aquino.

Habang si Escudero, pinayuhan ang mga dismayadong sundalo na ihingi muna ng basbas sa pamilya ng mga sundalong napugutan ang pagpapakalat ng mga litrato dahil maaring nalalabag ang karapatan ng mga ito.

"Karapatan nilang gawin iyon basta’t nagpaalam sila sa pamilya ng mga namatay na sundalo," ani Escudero.

Samantala, itinuring naman ng grupong Akbayan na isang pang-iinsulto ang mensaheng inilagay ng mga marino sa Philippine Marines Corp. Gym para sa mga sundalo na napatay sa Basilan.

Inakusahan ng Akbayan na ginamit lamang para sa propaganda ng mga nasa likod nito ang mensahe na nagsaaad na:

"It’s the SOLDIER - not the reporter - who has given us the freedom of the press. It’s the SOLDIER - not the poet - who has given us the freedom of speech. It’s the SOLDIER - not the politicians - who ensures that we live freely and peacefully. It’s the soldier who salutes the flag, who serves beneath the flag, and whose coffin is eventually draped by the flag."

Ayon sa Akbayan, ipinakita ng naturang mensahe ang ugali ng isang pasistang rehimen. Ipinakita rin umano ng mensaheng ito na baligtad ang pananaw ng militar sa human rights at demokrasya. 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top