P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA

Kalansay nahukay sa ginagawang bahay

Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima

Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent

Bangkay lumutang sa lawa 

Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall 

Kelot, huli habang humihihit ng marijuana

Naglalakad lang biglang sinaksak

Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay

 (Nilo Marasigan)


Utas ang isang umano’y wanted na kidnapper na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf nang manlaban ito sa mga umaarestong operatiba ng militar sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ernesto Torres Jr., ang napatay na si Abdul Majib, alyas Jade na aniya’y kabilang sa mga nangidnap sa ABS-CBN reporter na si Maan Macapagal noong 2001.

Ayon kay Torres, ala-una kamakalawa ng madaling-araw nang matiyempuhan ng mga tauhan ng elite 2 nd Scout Ranger Battalion at 35th Infantry Battalion si Majib sa sinalakay na safehouse nito sa may Bgy. Umbay, Jolo, Sulu.

Nang sisilbihan na ng warrant of arrest ang nakorner na bandido, nanlaban umano ito at nagtangkang tumalon sa kawayang tulay, dahilan para paputukan ng mga sundalo at mapatay.

Nakumpiska sa suspek ang mga bala para sa M-16 armalite rifle at caliber .45 pistol.

Si Majib, ayon kay Torres ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng Jolo Regional Trial Court kaugnay ng kinakaharap na kasong kidnapping at serious illegal detention.

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top