|
P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA Kalansay nahukay sa ginagawang bahay Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall Kelot, huli habang humihihit ng marijuana Naglalakad lang biglang sinaksak Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay
|
CRIME
STORIES
Naglalakad lang biglang sinaksak (Irwin Corpuz) Ospital ang kinasadlakan ng isang lalakeng naglalakad lamang ay biglang undayan ng saksak ng kaniyang kalugar sa San Mateo, Rizal. Ang suspek na pinaghahanap makaraang saksakin nito ang biktimang si Lloyd Benzon, 25, may-asawa na residente ng Riverside Sto. Nino, San Mateo, Rizal ay nakilalang si Jun Ireneo. Lumalabas sa pagsisiyasat ng San Mateo Police na ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng hapon kamakalawa habang ang biktima ay naglalakad sa isang kalye sa Riverside, Brgy. Sto. Nino ay nasalubong nito ang suspek na basta na lamang siyang inundayan ng saksak. Matapos ang pananaksak, mabilis na tumalilis papalayo ang nasabing suspek. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|