P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA

Kalansay nahukay sa ginagawang bahay

Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima

Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent

Bangkay lumutang sa lawa 

Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall 

Kelot, huli habang humihihit ng marijuana

Naglalakad lang biglang sinaksak

Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall

(Vladi Eduarte)


Isang pinaghihinalaang snatcher ang nahuli nang hindi sinasadyang makita ng nabiktimang dalaga ang naka-display na larawan ng una habang nagsusumbong ang huli sa barangay hall ng Western Bicutan sa Taguig.

Ang suspek ay nadiskubreng dating barangay tanod ng Western Bicutan, pero nasibak at lumalabas na bago nitong pinagkakaabalahan, ang mag-sideline sa panghahablot.

Alas-diyes ng gabi noong Miyerkules, naglalakad pauwi si Shiela Marie Taduro, 18, estudyante, sa Enlisted Personnel Housing sa Western Bicutan nang masalubong ang suspek na si Ludivico Magno, 30.

Lumagpas pa umano nang bahagya si Magno, subalit bigla na lang nitong hinablot ang bag ni Taduro pagtalikod ng dalaga. Naagaw ng suspek ang bag ng biktima at naitakbo hanggang hindi na makita ni Taduro, kaya tumawag na lang ito sa pulisya bago nagsadya sa barangay.

Ayon kay Chief Insp. Celso Rodriguez, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig Police, habang ikinukuwento ng biktima ang nangyari sa kanya sa mga opisyales ng barangay, ay napatingin ito sa mga larawang naka-display doon.

Nagulat pa si Taduro nang mamukhaan sa mga larawan ang isnatser na bumiktima sa kanya. Dito niya nalaman na dati palang tanod ang suspek.

Pagdating ng mga pulis, ay agad naman na itinuro ng mga opisyal ng barangay ang bahay ni Magno kaya nadakip ito.

Gayunman, hindi na narekober ang bag ng biktima na naglalaman ng mga personal na gamit, cash at Nokia 3315 cellphone. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top