|
P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA Kalansay nahukay sa ginagawang bahay Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall Kelot, huli habang humihihit ng marijuana Naglalakad lang biglang sinaksak Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay
|
CRIME
STORIES
Bangkay lumutang sa lawa (Irwin Corpuz) Isang bangkay na lulutang-lutang sa lawa ng Laguna ang natagpuan ng dalawang mangingisda sa Pililla, Rizal. Ang biktima ay isinalarawang nasa 32 hanggang 40 taong-gulang; may taas na 5’4" hanggang 5’6" ang taas, katamtamang pangangatawan at nakasuot ng gray short na may tato sa kanang balikat na "RD". Sa ulat ni Pililla Police SPO4 Romeo del Mundo, ang bangkay ay nakita ng 2 nangingisda kamakalawa ng umaga na agad namang ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang kanilang nakita. Base sa unang pagsisiyasat, ang bangkay ay hindi umano kinakitaan ng foul play kung saan ay ipinalalagay na posibleng biktima ito ng pagkalunod na maaaring inabutan ito ng matinding alon sa lawa bunsod ng mga nagdaang bagyo. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|