|
P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA Kalansay nahukay sa ginagawang bahay Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall Kelot, huli habang humihihit ng marijuana Naglalakad lang biglang sinaksak Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay
|
CRIME
STORIES
Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent (Vladi Eduarte) Sugatan ang isang machine operator nang magkaroon ng pagsabog sa pinagtatrabahuhan nito sa Taguig kahapon. Isinugod sa ospital si Aldy Alvar, 26, dahil sa mga tinamong sugat sa katawan. Ayon kay Chief Insp. Celso Rodriguez ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig Police, ang mga sugat sa katawan ni Alvar ay para umanong nasabugan ng paputok. Maayos naman na umano ang kalagayan ng biktima. Napag-alamang nagpuputol umano ng empty steel drum si Alvar dakong ala-1:30 kahapon ng hapon sa pinapasukang Defense Contract Corporation sa Blk. 15, Lot 35, Phase 2, Western Bicutan, nang may sumambulat. Sa paunang pagsisiyasat nina Chief. Insp. Rodriguez, ay nabatid na ang steel drum ay pinaglagyan umano ng solvent at gumagamit daw ng acetylene si Alvar sa pagpuputol nito. Inaalam ng pulisya kung nagkaroon ng reaksiyon ang latak ng solvent sa acetylene na ginagamit ng biktima kaya nagkaroon ng pagsabog. Ang Defense Contract umano ay pagawaan ng mga bala at baril at napag-alaman ng pulisya na pag-aari ng isang Sr. Insp. Jonathan dela Cruz. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|