|
P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA Kalansay nahukay sa ginagawang bahay Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall Kelot, huli habang humihihit ng marijuana Naglalakad lang biglang sinaksak Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay
|
CRIME
STORIES
Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima (Lily Reyes) No match ang isang holdaper sa tapang ng isang sekretarya na kanyang hinoldap at sinakal nang matalo ito nang nanlabang biktima kahapon sa Malabon City kahapon ng umaga. Agad na naaresto ang suspek na si Joel Rentino, 19, ng Ugnatan St., Barangay Concepcion, matapos talunin ng biktimang si Deserie Tapere, 34, sekretarya ng Sunlife Financial Insurance Unit, residente ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon ni PO1 Rommel Habig, alas-siyete ng umaga, nagte-text ang biktima habang naghihintay ng kanilang service vehicle sa kahabaan ng Arellano St., sa nabanggit na barangay nang biglang sumulpot ang suspek. Agad na sinakal umano ng suspek ang biktima, sabay pahayag ng holdap at inaagaw ang cellphone at bag nito. Subalit hindi naman ibinigay ng biktima ang kanyang mga gamit sa suspek at nakipaghilahan at hindi bumitiw kahit pa kinaladkad nang suspek. Binitiwan lang ng suspek ang biktima nang makita nitong may mga papalapit nang tao. Tatakas sana ng suspek ngunit hinabol ito ng biktima at ng mga sumaklolo, na naging dahilan upang ito’y maaresto. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|