P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA

Kalansay nahukay sa ginagawang bahay

Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima

Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent

Bangkay lumutang sa lawa 

Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall 

Kelot, huli habang humihihit ng marijuana

Naglalakad lang biglang sinaksak

Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Kalansay nahukay sa ginagawang bahay

(Lily Reyes)


Isang kalansay ng babae na tinatayang 67-taon nang nakabaon ang nahukay sa San Andres Bukid, Maynila kahapon ng umaga.

Batay sa impormasyong nakalap mula kay Det. Rommel Del Rosario, may hawak ng

kaso at nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Homicide Section, dakong alas-7:30 ng umaga nang mahukay ng isang Richard Perado ang kalansay sa panulukan ng Amatista St. at A. Francisco St., sa San Andres Bukid.

Naghuhukay ng poso negro si Perado, nang bumulaga sa kanya ang buo pang kalansay ng isang babae sa ginagawa nilang bahay na pag-aari ng isang Charito Fran.

Ayon kay Del Rosario, isang Marybobot Ventura, 71, kapitbahay ni Fran na mula pagkabata ay sa nasabing lugar na umano nakatira, ang nagsabi na tandang-tanda pa niya na mayroon umanong inilibing na isang babae sa nasabing lugar may 67 taon na ang nakakaraan. Posibleng pagmamay-ari umano nito ang kalansay na nahukay.

Ayon kay Ventura, nang mamatay ang babae ay isang araw lamang ito pinaglamayan at dahil sa labis na kahirapan ay inilibing na lamang ito sa naturang lugar na dati ay masukal at marami pang punongkahoy.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top