P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA

Kalansay nahukay sa ginagawang bahay

Holdaper, nahuli dahil sa nanlabang biktima

Machine operator, sugatan sa sumabog na drum ng solvent

Bangkay lumutang sa lawa 

Isnatser ipinamahak ng picture sa bgy. hall 

Kelot, huli habang humihihit ng marijuana

Naglalakad lang biglang sinaksak

Sayyaf na wanted sa kidnapping, napatay


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Sinisipat ni Quezon City Police Station 6 SPO1 Andy Aserit ang ninakaw umano na balde ng taho ng suspek na si Monico Garon, 32 taon, makaraang ireklamo ng kaniyang amo sa Barangay Commonwealth Quezon City. Depensa ng suspek, nagawa lang umano niya pagnanakaw dahil sa kahirapan at sa pitong anak na kailangan niyang buhayin. (Mike Perez)

P100M KONTRABADO, NAKUMPISKA SA SINALAKAY NA BODEGA

Ni Lily Reyes


Sinalakay kahapon ng mga operatiba ng Prsidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang malaking warehouse na nakumpiskahan ng P100 milyong halaga ng kontrabando o smuggled goods, sa Tondo, Maynila.

Kahapon, sinabi ni PASG Undersecretary Antonio "Bebot" A. Villar Jr., na kabilang sa sinalakay ang Ran Property and Management na matatagpuan sa panulukan ng A. Rivera at Bambang Sts., gamit ang Warrant of Seizure and Detention (WSD), matapos ang mahigit na isang buwan na paniniktik.

Dalawang bodega ang naglalaman umano ng mga smuggled goods na kamakalawa pa ng gabi sinimulang salakayin, subalit napag-alamang kulang umano ang search warrants kaya uumabot kahapon ng hapon ang pagbusisi sa mga bodega.

Binigyan umano muna ng 72 oras ni Villar ang may-ari ng bodega na magpakita ng kaukulang dokumento, subalit bigo ang mga ito.

Napag-alaman na may inimbitahan ang PASG na 22 Chinese nationals na naroon at nangangasiwa sa bodega. Ang mga ito ay wala ring maipakitang legal na dokumento kaugnay sa travel documents at nakatakda namang i-turn over sa Bureau of Immigration (BI).

Nabatid na mga kemikal, agricultural product, electronic items, toys, DVD players, tsinelas, RTW, hardwares at personal na gamit gaya ng tuwalya at kumot ang nasamsam na mga kontrabando.

Ani Villar, ang kontrabando ay walang available bill na naka-paste, packing list, corresponding entries, gate pass at customs official receipts na madalas na nakikita sa kahit na anumang shipment ng mga goods para maikunsiderang legally imported.

Wala pang kinilala sa mga nadakip na Chinese nationals sa hindi pa malamang dahilan at nabatid na dinala ang mga ito sa National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top