AUGUST 23, 2013 FRIDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
August 22, 2013
As of 1:20 pm
U. States 44.2199
Bahrain Dinar 117.270
Can Dollar 42.1700
Euro 59.0074
Aus Dollar 39.7795
HK Dollar 5.70180
Japan Yen 0.450338
Saudi Riyal 11.7913
S’pore Dollar 34.4463
Taiwan Dollar 1.47495
UAE Dirham 12.0389
UK Pound 68.9698
 
Custom Search
Sex-for-flight babagsak sa maltreatment?
(Marlo Dalisay)
 

Aminado ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso na hindi pa rin nila mahanap ang anggulong ‘sex-for-flight’ sa imbestigasyon sa reklamo ng ilang dating overseas Filipino workers (OFWs) na nabiktima ng pang-aabuso ng mga opisyal ng labor attaches ng bansa sa Saudi Arabia.

Sa panayam kay Senador Teofisto “TG” Guingona III, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na siyang nangunguna sa imbestigasyon, inamin nito na sa nakalipas na dalawang pagdinig ay hindi pa nila maestablisa ang sapilitang pagpapagamit ng mga OFW sa kanilang katawan sa mga opisyal kapalit ng tiket pauwi sa bansa.

“Ang malinaw sa ngayon ay ang maltreatment dahil base sa kuwento ng ating mga inimbitahang testigo, talagang nakaranas sila ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa mga kamay ng mga opisyal na kanilang inirereklamo,” ang paliwanag ni Guingona.

Pero ipinaliwanag din ng naturang mambabatas na hindi pa nila tatapusin ang serye ng imbestigas­yon sa naturang usapin dahil marami pa umanong mga OFW at dating OFW ang nakahandang maglahad ng kanilang mapait na karanasan sa kamay ng mga naturang opisyal.

Sa pangalawang pagdinig ay magugunitang nadiin nang todo si Assistant Labor Attaché to Riyadh Antonio Villafuerte makaraang magkakasunod siyang tukuyin ng mga testigong sina alyas Michelle, Analiza at Angel bunga ng umano’y pang-aabuso niya sa mga ito habang nasa pangangalaga ng Bahay Kalinga.

Kahapon ay hindi natuloy ang pangatlong imbes­tigasyon ng komite ni ­Guingona sa nabanggit na usapin pero sinabi nitong sa susunod na linggo ay maghahanap sila ng bakanteng araw para maidaos ito sa kabila ng pagbubukas ng pagsisiyasat nila sa report ng Commission on Audit (COA) sa pork barrel scandal.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION