Lalong pinaigting ng mga rescuers ang kanilang paghahanap kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo kahapon, dalawang araw matapos mag-crash ang eroplanong sinakyan nito sa karagatan ng lalawigan ng Masbate.
Kuha ang larawang ito kahapon at inilabas ng Malacañang Photo Bureau (MPB) kung saan makikita si Pangulong Benigno Aquino III habang pinagmamasdan ang narekober na pakpak ng nag-crash na eroplanong sinakyan ni Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo. Makikita sa isa pang larawan ang isang foreign volunteer diver habang naghahandang sumisid sa crash site sa Masbate. (AFP photo/Jay Morales/MPB)
NASA Cebu pa si Annabelle Rama, kaya si Eddie Gutierrez ang representative ng Gutierrez family sa 73rd birthday party ni Mother Lily Monteverde noong Linggo nang gabi sa Imperial Palace Suites.
Walang nagawa si Robert Bartolo ng St. Benilde nang pagtulungan nina Nosa Omorogbe (kaliwa) at Anthony Paulino (kanan) ng Perpetual sa NCAA action sa The Arena kahapon. Pinigil ng Altas ang rally ng Blazers para itakas ang 78-74 win. (Mike Taboy)
Masusubukan nang husto ang tikas ng Smart Gilas Pilipinas laban sa South Korea ngayong alas-tres ng hapon sa pagpapatuloy ng 34th Jones Cup sa TPEC gym sa Taipei.