Sa Las Piñas Coliseum didiskarte ang mga tagasubaybay ng bigtime sabong dahil sisiyapol na ngayong hapon ang pinakahihintay na “Las Piñas Annual 7-stag derby.”
May 90 sultada ang nakahanay sa unang araw ng eliminasyon (3-stag) ngayon. Sa Huwebes ang ikalawang elimination round habang Sabado naman ang finals.
Muling kinuha ng LPC management ang serbisyo ni international llamador Abu Centeno upang masiguro ang mabibilis na sultada (walong sultada kada oras).
Kabilang sa mga maugong na liyamado ngayon ang entries nina Gerry Ramos, Tony Lasala, sabong idol Patrick Antonio, James Uy, Allan Siaco, Tady Palma, Eric dela Rosa, Mayor Nene Aguilar, dating Senador Ramon Revilla, Boy de Roca, Narding Sarao, at iba pa.
Bahagi ng kikitain sa derbing ito ay ipagkakaloob sa Clean and Green Program at barangay feeding program ni Mayor Nene Aguilar.
Dahil sa mahigit 100 entries na kasali, tinatayang aabot sa P2 milyon ang kabuuang premyo rito. |