Aug. 19, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  7th UCAA tourney hahataw ngayon
 
Laro ngayon:
(Blue Eagle gym)
10:00 a.m. --- PSBA vs EAC
11:30 a.m. --- Olivarez College vs DLSU-Dasmariñas
1:00 p.m. --- St. Francis vs Colegio de Sta. Monica
2:30 p.m. --- Trace vs UCN

Hahataw na simula ngayon ang ika-pitong Universities & Colleges Athletic Association (UCAA) men’s basketball tournament sa Blue Eagle gym sa Katipunan Ave., Quezon City, kung saan apat na pares ng sagupaan ang agad sasalang.
Agad na makakabangga ng host Philippine School of Business Administration ang Emilio Aguinaldo College sa alas-10:00 ng umaga habang ang Olivarez College ay makakakrus ng landas ang La Salle-Dasmariñas sa alas-11:30 ng umaga.
Sisimulan naman ng defending champion St. Francis of Assisi College Doves ang kanilang title-retention bid laban sa bagong-saltang Colegio de Sta. Monica sa ala-una ng hapon habang magde-debut rin sa liga ang Trace College of Laguna katapat ang Universal College of Nursing sa alas-2:30.
Nakahugot ng maagang bye ang Las Piñas College, ang ika-siyam na miyembro ng liga.
Hindi naman lumahok ngayong taon ang 2007 runner-up na Asian College of Science and Technology Lightnings upang mas palakasin pa ang kanilang team para sa susunod taon.
“Newcomers Colegio de Sta. Monica and Trace College will be taking over the spot left off by ACSAT,” ani UCAA president Tisha Abundo ng PSBA.
“The two new teams have giant shoes to fill, but I’m confident they will be up to the task.”
Sa pagkawala ng ACSAT Lightnings, inaasahan ng Doves na ang EAC Generals at ang UCN dribblers ang kanilang magiging mahigpit na katunggali.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES