BEIJING – Sasabak na bukas si Pinoy jin Tshomlee Go, kung saan makakatapat niya si Australian Ryan Carneli para sa kanyang unang asignatura sa 29th Olympic Games ditto.
Pero, may iniindang kirot ng Pinoy bet. At ito ay ang bahagyang pamamaga ng kanyang kanang sakong na na-sprain sa ensayo noong Sabado.
“Ayos na po. Nilagyan na po ng gamut (pain killer), pahayag ni Go. “Okay naman po ang pakiramdam ko, walang problema.”
At bagamat siniguro nina Rocky Samson at Korean King Hong Sik, coaches ng Pinoy jin, na maayos na ang lahat, nananatili ang tanong kung nasa hustong kundisyon ba ang pambato ng Pinas. Dahil sa Olympic Games, kinakailangang nasa perpektong kundisyon ang isang atleta para magtagumpay.
Si Go, na nakakuha ng tiket sa Beijing Games matapos ang bronze medal finish sa World Taekwondo Championship noong Setyembre sa Manchester, England, ay hindi magaan ang unang makakasagupa sa 58-kg division. Dahil ang Australian ay tumapos na pangalawa sa 2006 World Cup sa Bangkok, Thailand.
Gayunpaman, mas malawak ang eksperiyensa ni Go kumpara sa kalabang unang sabak pa lang sa Olympic Games.
Kung lulusot si Go kay Carneli, ang susunod niyang makakatagpo ay sinuman kina Thailand’s Chutchawal Khawlaor, 2006 finweight Asian champion at 2007 Beijing world championships silver medalist, o kaya’y si Jean Moloise Ogoudjobi sa quarterfinals.
“We’re not thinking of the semifinals or the gold,
just his first game. We are going to take it one fight at a time,” pahayag ni Samson.
|