 |
Saan ka pupunta? Matinding depensa ang hinarap ni Mark Macapagal ng Ginebra Gin Kings mula kay JC Intal ng Air21 Express sa tagpong ito ng kanilang PBA Finals Game Six showdown sa Big Dome. (John Paulino) |
MERSIN, Italy - -Binokya kaagad ng mga Pinoy woodpushers ang kanilang opening assignment na Turkey Girls-A, 4-0, sa pagsisimula ng World Youth Under-16 Chess Olympiad sa Mersin Great Municipality Sport Hotel.
Tinalo nina GM Wesley So, NM Haridas Pascua, John Alcon Dau at Jan Emmanuel Garcia ng 4-man RP team, 4th seed sa 26-team competition, ang kani-kanilang mga karibal sa 10-round tournament.
Pinabagsak ni So, ang highest-rated player sa tangang ELO na 2577, si Emel Kaya; hiniya ni Pascua si Tulay Serya; nilagpasan ni Datu si Sop Selen habang si Garcia ay pinayuko si Soylemez Canzu para pagandahin ang tsansa ng bansa na malagpasan ang kanilang third overall finish noong isang taon.
Magkakabuhol sa liderato ang RP team, Turkey-A,Georgia, Armenia, Slovakia, Switzerland-A, England at Greece sa pare-parehong 4.0 points.
Bumubuntot ang top seed Russia sa solo 3.5 points habang ang defending champion India, Sri Lanka at Azerbaijan ay kapwa may 3.0 points.
|