Dear Tita Nora,
Itago na lang ninyo ako sa alyas na Bitoy.
Medyo maselan ang problema ko. Tungkol po ito sa ari ko. Maliit kasi ang size nito.
May girlfriend ako at alam kong maligaya naman siya sa mga ginagawa ko sa kanya pero hindi ko pa siya tinangkang makatalik kahit alam kong papayag siya.
Ang totoo ay natatakot ako na baka magbago siya, ismolin ako o maghanap pa ng iba oras na madiskubre niyang maliit ang pagkalalaki ko.
Ano po ba ang puwedeng gawing remedyo para mapalaki ko ang size nito?
Sana’y mapayuhan ninyo ako.
Bitoy
Dear Bitoy,
Wala akong mairerekomendang paraan o gamot para mapalaki ang iyong ari. Pero hindi porke’t maliit ang ‘pagkalalaki’ mo’y pangungunahan ka na agad ng takot na iwan, ipagpalit o small-in ka ng gf mo.
Bagama’t pogi point o malaking puntos sa isang lalaki ang ‘ika nga nila’y malaking sandata, hindi lahat ng kababaihan ay du’n tumitingin. May mga babae pa ring mas pinapahalagahan ang damdamin nila. Ang importante’y honest ka, faithful, marunong, makipag-kapwa tao at higit sa lahat ay healthy at walang anumang sakit lalo na sa ari.
Kaya sa puntong iyan, sa halip na husgahan mo agad ang gf mo na iiwan o ipagpapalit ka oras na madiskudre niya ang ikinatatakot mo’y hayaan mong mahalin ka niya bilang ikaw.
Ikaw na rin ang nagsabing napapaligaya mo siya kaya ipagpatuloy mo at gawin ang ibang paraan na nakakapag-satisfy sa kanya.
Kumbaga’y nasa performance din iyan.
Good luck and God bless you.
Love,
Tita Nora