Aug. 19, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
BF biglang naglaho
Dra. Margie Holmes
 

Dear Dra. Holmes:
Good day po! You can call me Zyl. Anyway, may gusto po sana akong itanong sa inyo at sana po eh masagot niyo.
Almost 3 years na po kami ng bf ko pero ‘yung 1 year after that 2 years ay medyo masalimuot kasi po bigla na lang po siyang nawala.
Tapos nalaman ko na lang po sa katrabaho ko na sila na daw ng bf ko. Hindi ko po alam kung ano gagawin ko nu’n. Sobrang nasaktan po talaga ako pero wala naman po akong magagawa kasi ako naman po ‘yung taong hindi pipiliting ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw sa akin.
Pero, bigla po siyang bumalik after that 1 year. To make the long story short, nagkabalikan kami. Naging sweet sa isa’t isa then after 2 weeks po ata parang iba na naman. ‘Di ko po alam kung p2loi pb akong aasa sa knya. Hope you can read this message of mine. -- ZYL
Dearest ZYL:
Mabait kang tao, at maaaring mabait na tao rin siya dahil marahil hindi mo siya mamahalin kung masama siya. Marahil. Pero Zyl, kahit gaano siya kabait, hindi siya mabuting boyfriend.
At ang mabuting bf ang iyong kailangan dahil balang araw, baka kayo na, ‘di ba? Baka kayo na ay magpakasal.
Kung talagang trial period ito, bago mo pag-isipan kung ito ang lalaking pakakasalan mo, mabuti nang huwag kang umasa sa kanya. Hindi naman siya lalong mapapag-asahan.
Humingi ba siya ng tawad noong bigla lang siyang nawala? Mayroon ba siyang magandang dahilan? At naniniwala ka ba sa kanya?
At hindi siya nagbigay ng magandang paliwanag at hindi mo siya tinanong, ‘yan ay dahil ipinaaalam niya sa iyo (sa pamamagitan ng kanyang kilos, o kanyang sinabi o DI sinabi) na ayaw niyang matanungan)? Anong klaseng relasyon ‘yan, ZYL? Lalo na kung mag-asawa na kayo at inaasahan mo siya ‘di lamang para sa pagmamahal pero sa pag-aalaga ng mga anak ninyo. Napakalaking sakit ng ulo lang itong lalaking ito.
Ngayon. Maaaring “good time good time” lang ang gusto mo -- at bakit hindi, ‘di ba, ZYL? Lahat naman tayo ay may karapatang mag-good time basta wala tayong ibang sinasagasaan.
So, kung para good time lang ito, para mong awa, ZYL, maghanap ka sana na talagang magbibigay sa iyo ng good time. Hindi itong paurong-sulong na lalaki na hindi mo alam kung tatagal sa iyo o hindi!
Kung ang gusto mo ay free and easy, katuwaan lang, maghanap ka sana ng isang talagang magbibigay sa iyo ng tuwa at hindi kasamaan ng loob. Marami diyan, Zyl. Pangako ko sa iyo. Ingat -- MG Holmes
***
Si Dra. Holmes ay resource person sa Umagang Kay Ganda tuwing Martes sa ABS CBN. Siya rin ay sumusulat sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes at sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan siya sa kanyang website www.margaritaholmes.com. Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot ng personal.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES