Aug. 19, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Relief goods ibuhos sa M’danao
Rey Marfil
 

Kasabay ang pangakong tulong sa Mindanao, kinalampag ni Senate President Manuel Villar Jr., ang palasyo ng Malacañang sa pagsagawa ng relief operation matapos kubkubin ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ilang bayan sa Lanao del Norte at Saranggani province.
Ayon kay Villar, ngayon kailangang magbuhos ng tulong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Mindanao, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH).
Maliban sa DSWD at DOH, hiningi ni Villar ang pag-aksyon ng Commission on Human Rights (CHR) at ilan pang non-government organization upang mapabilis ang inaasahang aksyon at pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng naipit sa giyera.
Kasalukuyang inihahanda ni Villar ang mga donasyong ipamamahagi sa Mindanao matapos dagsain ng tawag ang kanyang opisina mula sa mga bayang kinubkob ng rebeldeng MILF, katulad ang kawalan ng gamot at pagkain.
“Kailangan ngayong bumaha ng tulong. Ang tulong ng DSWD, DOH at CHR gayundin ang mga non-government organization at mga lokal na pamahalaan ay inaasahan na maagap na aaksyon upang mabigyan ng pagkain, gamot at iba pang tulong ang mga apektado nating kababayan,” ani Villar.
Isang emergency fund ang direktang hiningi ni Villar kay Mrs. Arroyo para matugunan ang pangangailangan ng mga taga-Mindanao.
“Nananawagan ako kay Pangulong Arroyo na kaagad na magpalabas ng salapi mula sa kanyang Emergency Fund upang maging tuluy-tuloy ang tulong sa mga tao sa Mindanao,” ani Villar.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES