Ito ang tila naging kantiyaw ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero III sa mga opisyal ng Philippine sports sa harap ng kawalang katiyakang makakasungkit ng kahit anong uri ng medalya sa Beijing Olympics.
Ayon kay Escudero, isang sports fanatic, kailangang baguhin ng mga sports official ang diskarte sa paghahanap ng mga pambato sa Olympics, katulad ang pagsentro sa mga larong may kakayanang manalo sa international competition.
Ngayon pa lamang, dapat paghandaan ng Pilipinas ang 2012 Olympics, ayon kay Escudero, kung nais makamtan ng bansa ang inaasam na gintong medalya, sa pamamagitan ng matinding pagsasanay at paghahanap ng mga de-kalibreng atleta.
Hindi rin maitago ni Escudero ang naramdamang pagkadismaya sa pamumulitika ng ilang sports officials kung saan nasasakpisyo aniya ang interes at kapakanan ng mga atleta sa ginagawang pagsasanay.
Sa loob ng apat na taon, isang panibagong hamon sa Philippine sports ang 2010 Olympics at panibagong pag-aaksaya ng pera sa panig ng gobyerno kung walang matinong pagsasanay sa mga atleta.
Bagama’t meron pang natitirang atletang sasabak sa Beijing Olympics, hindi maitago ni Escudero ang pagkadismaya sa resulta ng ipinadalang contingent sa China kaya’t mas makakabuti aniyang simulan na ang matinding training ng mga ito.
“Identify sports we can excel in and develop athletes by spending on them. We should start today so we can adequately train and qualify our athletes for the next Olympics in four years time,” ani Escudero.
|